Chapter 50

688 47 33
                                    

JELAY POV

Mabilis kong kinabig sa gilid ang kotse ng may biglang lumitaw sa unahan namin..
Napahawak ako sa puso ko ng ma-preno ko iyon.

Agad akong tumingin sa gawi ni Kaori.
Nakahawak siya ng mahigpit sa seatbelt nya.

"What the fuck! Papatayin mo tayong dalawa!" galit na bulyaw nya sakin na halatang kinakabahan pa rin..

"Bakit ka pa kasi sumama?!" naiinis din na bulyaw ko. Muntik na kami dun.

"Kasalanan ko na naman?! Ako ba may hawak ng manibela?" naka kuyom na ang kamay nya na halata ang gigil.

"Tsk!" pagpalatak ko at inistart na ang kotse.

Muli akong nag drive pero mas mabagal na ngayon at mas maingat.
Wala pa naman sa plano ko magpakamatay tapos idadamay ko pa siya.

Hindi ko siya pinapansin kasi sinampal nya ako kanina. Grabe! Wala pang nakakagawa sa akin nun.
Hindi nya rin naman ako pinapansin nakita kong nakataas din ang kilay nya. Edi wow.

Pagdating sa bahay ay mabilis akong lumapit kay Dale saglit nya akong niyakap at kay Kaori dumiretso.
Pati anak namin siya ang favorite! Nakakaasar.

Kinarga naman ito ni Kaori at nag usap sila tungkol sa gustong meryenda ni Dale.
Sumulyap sakin si Kaori kaya tinaasan ko siya ng kilay. Tinaasan nya rin ako ng kilay. Edi wow talaga! Palaban ka ah.

Nagkulong lang ako sa kwarto.
Tinitigan ko mga pictures ni Kaori sa IG ko.
Pinag-iisipan ko kung buburahin ko na ito kaso ang gaganda nya dito. Sayang naman.

Nagulat ako ng bigla siyang pumasok kaya agad kong tinago ang phone.

"Kakain na tayo. Baka gusto mong hatiran pa kita dito." masungit na turan nya sakin saka lumabas ng kwarto.

Nakakainis! Tinitiis nya ako talaga ngayon ah..

Habang kumakain kami ay sinasamaan ko siya ng tingin.. Iniirapan nya lang rin ako.

"Ano problema mo?!" naiinis na tanong ko sa kanya pagkarating niya sa kwarto.

"You almost killed us tapos magtatanong ka pa! Tabi nga!" tinulak niya ako tsaka siya pumasok sa banyo..

I've waited for her para ako naman ang maligo. Paglabas na paglabas ko sa banyo ay nakasandal siya sa may pader at nakahalukipkip.

"Now let's talk!" maangas na ani nya.

"I don't want to talk!" sagot ko na naupo sa harap ng vanity mirror at nagpatuyo ng buhok.

"I don't care! Tell me, bakit kasama mo ex mo at magkayakap kayo?" tinaasan ko siya ng kilay.

"It's none of your business." masungit na sagot ko.

Hindi natapos pag-uusap namin ni Achi dahil dumating siya pero kahit papaano ay gumaan pakiramdam ko sa mga nalaman ko kay Achi.

"Business? Of course it's my business when it's involve you and our relationship!" nilingon ko naman siya sa sinabi

"We don't have relationship! If there is, then i'm breaking up with you. You hardly slap me!" naiinis na sagot ko sa kanya.

Mommy and Daddy ko nga di ako sinasampal tapos siya, wala pang kami sinampal na ako.

Alam ko naman na medyo gago ako kanina. May mga nasabi ako dahil sa inis ko. Sa bugso ng damdamin ko pero di ko matanggap na masasampal niya ako.

"Kapal ng muka mo kasing sabihing malandi ako, ikaw lang naman nilandi ko sa buong buhay ko!" gusto kong ngumiti sa sinabi niya. Marupok ako e. But not now, hindi ako ang makikipag bati sa kanya.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon