Epilogue

1.3K 54 98
                                    

KAORI POV

Tahimik lang akong nagbabasa ng libro ko ng may mag doorbell.

Agad kong binaba iyon at pinagbuksan ng gate.

"Pwede ba kita makausap?" nabigla ako. Hindi ko inaasahan ang bisita ko.

"Kung tungkol kay Jelay, Kare.. Hindi ako interesado." agad na pahayag ko sa kanya.

Baka pinapunta siya ni Jelay dito para kausapin ako.

"Sobrang tigas mo naman na Kao.." pahayag nito. Hindi siya galit.. Normal na boses niya lang.

"Credit to my experience" sagot ko sa kanya na nginitian pa siya.

"Aalis na si Jelay." deritsong ani nya.

Sandali akong napahinto..

"Isasama siya ni Tita Shie papuntang Canada" dugtong pa nito..

Hindi ako makapagsalita.

"Dun na siya mag-aaral. Hindi ko rin alam kung kelan siya babalik." saad ni Karina.

"Ahh.." sagot ko. Walang salitang lumalabas talaga sa bibig ko.

"Wala ka bang sasabihin? Wala kang gagawin?" nagugulohang tanong niya.. Nakikita ko na rin ang frustration sa muka nya.

Kaso hindi ko na maramdaman ang puso ko. Hindi ko nga alam kung tumitibok pa ba ito.

Buhay pa ba ako?

Huminga muna ako ng malalim bago sagotin si Karina.

"Kare, ano gusto mo gawin ko? Tulad ng mga napapanuod mo sa movie? Nababasa sa libro? Na hahabolin ko sa airport si Jelay at pipigilan siyang umalis? Tapos magyayakapan kami sa gitna ng maraming tao habang nagsasabihan ng mga salitang 'mahal kita'?" napanganga lang si Kare sa sinabi ko.

"Kare.. Hindi ganon ang kwento namin ni Jelay." nanatili lang nakatingin sa akin si Karina.

"Iba ang ending ng story namin. Hindi naman kasi kami ang bidang magkakatuloyan sa dulo." huling pahayag ko sa kanya bago isara ang gate.

Mabilis akong umakyat sa kwarto at sinara ang pinto nito.

Nanghihina ang tuhod ko kaya napaupo ako sa kama.

"Aalis na siya." mahinang usal ko

Hindi ko na siya makikita pa.

Hindi ko na makikita ang muka niya kaya dapat magpasalamat ako dahil di ko na maaalala ang masakit na naranasan ko sa kanya.

Oo, dapat maging masaya na ako.

Pero bakit may luhang pumapatak sa mata ko?

KARINA POV

Ngayon na ang araw ng alis ni Jelay.

"Mag-iingat ka dun bessy! Video call mo ko ha?" paalala ko sa kanya.

Nakakalungkot na sa loob ng apat na taon ngayon lang kami magkakahiwalay ni Jelay.

"Oo naman. Ikaw pa ba? Di kita kakalimutan." saad nito na nakangiti pero alam kong di abot sa kanyang mata.

Kanina pa siya palinga-linga na parang may hinihanap.

"Kare, alam niya ba?" di napigilang tanong nya

Alam ko naman na si Kaori tinutukoy nya.

Gusto ko sabihing hindi para hindi siya masyadong masaktan pero siguro tama ring malaman nya ang totoo

"Oo. Nung gabing sinabi ni Tita Shie na isasama ka nya sa Canada, kinabukasan sinabi ko kay Kaori." paliwanag ko dito.

Ngumiti naman siya ng mapait..

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon