Chapter 4

1.1K 60 13
                                    

MISSY POV

Uy Pre! Si Jelay!

Sino pinuntahan nya dito?

Ang ganda nya talaga pre!

Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko ang pinagbubulongan ng mga kaklase ko.

Hala sayang! Wala si Kaori, Andito crush nya!!

Napansin ko naman na para itong may hinahanap..

"Hi Jelay!" bati ko dito.. Tinignan niya muna akong mabuti bago ngumiti.

"Hello!"

"May hinahanap ka ba? May matutulong ba ako?" nagtatakang tanong ko sa kanya..

Muli siyang nag palinga linga..

"Ahmm.. Nakita mo ba si Ms.President?" nanlaki ang mata ko sa tanong nya..

Bakit nya hinahanap si Kaori???

"Si Kaori?" paninigurado ko kahit alam kong si Kaori lang naman tinatawag na Ms. President dito.

"Uhm. Yes" mahinang sagot nito.. Para siyang nahihiya.

"Bakit mo hinahanap?" curious na tanong ko..

"M-may kailangan ako sa kanya." mas mahinang sagot nya na halos hindi ko na marinig.

"Hindi siya pumasok e. Nakakapanibago nga hindi naman na-absent yun kahit may sakit." kumunot naman noo ni Jelay sa sinabi ko..

"Ahm.. P-pwede ko ba mahingi number nya?" lumaki mata ko sa sinabi nya..

Baka nakarating na sa kanya yung chika na may gusto sa kanya si Kaori at balak nyang biktimahin si Kaori. Tsk tsk

"Hindi pwede. Pasensya na" walang ganang sagot ko sa kanya.

Kilala naman dito sa University si Jelay na walang siniseryoso. Baka masaktan lang bestfriend ko.

Hindi ako papayag na i-take advantage nya si Kaori.

Sorry Kaori pero pinoprotektahan lang kita.

"Sige na please." paki-usap ni Jelay pero naupo na lang ako sa upuan ko..

"Importante lang talaga." pangungulit nya pa rin..

"Matinong babae si Kaori. Iba na lang landiin mo" she give me quizzical look.

"Darn! I don't like her! May kailangan lang talaga ako sa kanya." umalis sya na nagdadabog.. Bahala siya dyan..

JELAY POV

Nasaan na ba ang babaeng weird na yun?! Pinuntahan ko siya sa bahay niya pero wala siya baka tinakas nya na sa akin si Dale!

Yung kaibigan nyang walang mata ayaw pa ibigay sakin number nya. Nakakainis! Nakakasira ng ganda ko.

Wala akong nagawa kundi bumalik sa bahay nya at buong araw maghintay sa labas..

Inip na inip na akong naka upo lang sa kotse ko..
Magdidilim na ng may humintong taxi sa tapat. Hinintay ko kung sino ang bababa at nanlaki ang mata ko ng bumaba si Dale dun kasunod ni Ms.President.

Mabilis akong lumabas ng kotse ko..

"Dale!" tawag ko sa bata.. Napansin naman ako agad nito at patakbong lumapit sa akin..

Mabilis ko syang kinarga at hinalikan sa pisngi..

"Bakit ngayon lang kayo? San kayo galing?" tanong ko kay Ms. President

"Namili kami mga gamit ni Dale.. Tsaka may sasabihin ako sayo." sinundan ko si Ms. President sa loob na ang daming bitbit na paper bags..

"Mag-half bath lang si Dale tapos papatulogin ko tsaka tayo mag-usap" tumango naman ako. Mukang pagod na pagod si Ms. President.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon