KARINA POV
Bagsak ang balikat ni Jelay na pumasok sa room namin.
Inaabot ko sa kanya ang burger para makakain naman siya pero tinatanggihan nya lang.
"Kumain ka.." utos ko sa kanya.
"Kakain ako mayang lunch. Sasabayan ko si Kaori" sagot nya sakin. Napailing na lang ako.
"Jelay.." mahinang tawag ko sa kanya.
Gusto kong sabihin na bigyan nya muna ng space si Kaori. Masyado pang fresh ang mga nangyari. Magkakasakitan lang sila pero sino ba ako para diktahan siya sa gusto nya?
Hindi ko rin naman alam tumatakbo sa isip ni Kaori. Malay natin, lumambot nga puso nya kay Jelay.
Alam naman natin kung gaano niya kamahal si Jelay. Nasaktan lang talaga siya.Tahimik lang si Jelay buong klase.. Nakatingin sa unahan pero halatang tagusan ang tingin sa prof.
Pagkatapos ng klase ay nagmamadali siyang umalis. Hinabol ko naman siya at nakita kong papunta siya sa Engineering building.
Nakita kong hinaharang niya si Kaori pero nilagpasan lang siya nito at di kinikibo tulad kanina.
Hanggang makarating sa Cafeteria ay nakasunod siya dito.Naki-table siya kila Kaori. Nalingonan naman ako ni Missy kaya kinawayan ako nito.
Lumapit naman ako sa kanila at naki-table na din..
"Anong gusto mo kainin, Love?" tanong ni Jelay dito pero di naman siya iniimik..
"Anong nangyari?" bulong sakin ni Missy tukoy sa dalawa.
Hindi maiintindihan ni Missy ang lahat kasi di niya naman alam ang totoong katauhan ni Dale.
"LQ" simpleng sagot ko kay Missy. Nakita ko naman tumayo si Jelay at nagpunta sa counter.
"Grabeng LQ naman? Parang di siya kilala ni Kaori. Di naman ganyan si Kaori. Ano ginawa ni Jelay?" tanong pa rin ni Missy.
Nagkibit balikat na lang ako. Wala ako sa posisyon magkwento.
Pagbalik ni Jelay ay ang dami niyang dalang pagkain.
Nilagyan niya ng kung ano ano ang plato ni Kaori.. Tinitigan naman siya ng masama nito.
"Ayuko na kumain!" padabog na ani nito at tumayo.
"Kao, please kumain na tayo.. Jelay, wag mo siyang kulitin!" pagalit ko kay Jelay.
Kapag hindi kumain si Kaori sigurado akong di rin kakain si Jelay. Manghihina na siya.
Tumungo naman si Jelay. Naupo naman ulit si Kaori at nagsimula ng kumain.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang kumakain na rin si Jelay.
Jusko, tuwing tanghali na lang ba sya kakain dahil dun nya lang makakasabay si Kaori?
Pagkatapos kumain ay hinatid ni Jelay si Kaori. Hindi na ako sumama sa kanila.
Hinintay ko na lang siya sa next class.
"Kinausap ka?" tanong ko sa kanya pagdating nya pero umiling lang siya at malungkot na ngumiti.
"Malay mo bukas kausapin niya na ako." sagot niya. Tumango na lang ako.
°
Lumipas pa ang ilang araw, linggo at buwan na ganon na lang palagi nangyayari.
Hindi ko alam kung saan pa kumukuha ng lakas si Jelay.
Ang laki na ng pinayat niya at ang laki na rin ng eye bags nya.
BINABASA MO ANG
The Other Side (JelRi Fanfiction)
Fanfiction"What if, one day when you wake up you have a child with your long time crush?" Christian Dale as an Inter-dimentional Traveller!! Came from Are You My Destiny. FAN FICTION FOR JELRI STAN!!!