Chapter 3

1.1K 57 7
                                    

KAORI POV

"Mommy?? You are my Mommy and Mommy Kaori. I'm your baby.." hinawakan nya ang kamay ko at kamay ni Jelay.

Lahat kami nagulohan.

Am i dreaming?!

Tumingala sakin si Jelay kaya nagkasalubong ang mga mata namin.

Totoo ba ito? Ang lapit lapit nya at nakatingin sya sakin parang gustong sumabog ng puso ko sa saya.

"Tingin ko dapat kayong mag-usap ng wala ang bata." bumalik ako sa realidad ng magsalita si Karina.

"K-kung okay lang sa inyo sa bahay na lang? Hindi ko rin alam saan dadalhin ang b-bata.. Mabuti pa sakin muna siya." nahihiyang alok ko baka tanggihan ako ni Jelay pero iniisip ko kasi na baka pagod na rin si Dale. Mas mabuting mapahinga na sya.

"Hmm.. Hindi na ako makakasama. Kailangan ko na rin kasi umuwi. Hehe" tumango sa sinabi ni Karina. Tama yan! Para masolo ko si Jelay. Hehehe

Pagkatango ko ay mabilis namang umalis si Karina. Uwing uwi na siguro talaga sya.

"Sa akin na kayo sumabay para mabilis. I drive you home" hindi ko alam isasagot ko. Matagal ko ng pinapangarap sumakay sa Lexus ni Jelay!!

Okay. Kalmahan ko lang baka makahalata sya..

Tumango na lang ako dahil baka lumabas sa bibig ko ang excitement.

Naglalakad kami patungo sa kotse ni Jelay. Nakahawak sa akin at sa kanya si Dale para kaming.. Mag-pamilya? Hehehe di ko mapigilan mapangiti sa naiisip ko.

"Mommy Jelay, I'm tired.." agad naman akong napatingin kay Dale sa sinabi nya. Napansin ko rin na tumaas ang kilay ni Jelay.

"Halika Baby, kargahin kita." alok ko dito dahil baka mahirapan si Jelay at iwan kami.

Umiling iling naman si Dale. Dale naman! Makisama ka naman..

"I want Mommy Jelay." sagot nito sa akin.. Nakita ko na ngumiti naman si Jelay.

Grabe!! Ang ganda nya ngumiti talaga. Gusto ko maiyak na nakikita ko ito ng malapitan.

Walang salita ay kinarga ni Jelay si Dale. Yumakap naman agad si Dale dito at natulog sa balikat nya.

Nakasunod lang ako sa kanila at namamangha ako sa nakikita ko.

Sobrang magkamuka sila.. Muka talaga silang mag-ina. Mini me ni Jelay si Dale..

Napansin ko naman na parang nabibigatan si Jelay. Ito na nga sinasabi ko Dale e!

"Baka mabigatan ka.. Ako na lang" hindi nya ako pinansin. Huhuhu nagpatuloy lang sya sa paglalakad hanggang marating na namin ang Lexus nya.

Waaah!! Ito yun! Sasakay na ako kay baby Lexus!!

"Kunin mo na itong anak mo" nagulat po ako ng bigla syang magsalita.

Saan ba ako uupo? Di naman pwede sa shot gun seat dahil dalawa kami ni Dale.. Hindi safe. Hays, sa likod na nga lang.

Pagpasok ko ay amoy na amoy ko na agad ang pabango ni Jelay dito sa kotse. Ang bango bango ni Lexus. Pwede bang dito na lang tumira? Hehehe

Pagka-start ng kotse ni Jelay ay parang nataranta naman si Dale.

"Mommy Jeje! Why are you driving? You don't know how to drive! And why are we riding this cheap car? Where is our Bugatti Chiron?" uy! Grabe itong batang ito! Bakit mo nilait si Lexus?!

Tsaka marunong magdrive si Jelay. She's driving crazy nga. Hehehe pinipigilan kong ngumiti sa mga naiisip ko.

"Hey Kid, relax! I know how to drive" cool na cool naman na sagot ni Jelay kung iba siguro ito siguro mayayabangan na ako kaso si Jelay ito. My long time crushy hihi

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon