Chapter 9

939 57 8
                                    

Naramdaman ko ang paghagod ni Jelay sa likod ko..

Unti unti nya akong nilayo sa kanya at kinulong ang muka ko sa mga palad nya..

"Stop crying.. Lalo kang napangit. Hahaha" hindi ako naiyak dahil nasaktan ako sa sinabi nila, oo masakit.. Pero mas naiyak ako ng maramdaman ko ang yakap. Yang pag-aalala nya..

Natutulala na lang ako ngayon habang natawa sya at pinapahiran ang mga luha ko..

Hindi naman ako iyakin pero hindi ko mapigilan ang maiyak, ayaw tumigil ng mga luhang ito..

"Stop crying. Magagalit sakin si Dale kapag nalaman nyang pinaiyak kita.." nakangusong saad na nito..

"Wag mo na sila pansinin Kaori.. Inggit lang mga yan" pag-aalo din sakin ni Karina.

"Yah, ang ganda ko kasi hahaha" natatawang saad ni Jelay na kinindatan pa ako..

Nababaliw na ata ako, kanina nahihiya tapos nasasaktan tapos ngayon naman kinikilig ako..

Hindi na kasi binitawan ni Jelay ang kamay ko habang nakain sya..
Nang matapos kumain si Jelay ay inalok nya akong ihatid sa room ko.

"Mauna ka na Kare sa room, hatid ko lang si Kaori sa room nya" nabigla pa ako sa sinabi ni Jelay..

"Okay lang Je, wag mo na ako ihatid." saad ko

"Love, wala akong pake kung ayaw mo basta hahatid kita" nakita ko pang pasimpleng humagikgik si Karina..

"Sige.. Babye!" paalam ni Karina at nauna ng umalis..

"Let's go.." aya sakin ni Jelay, hawak pa rin ni Jelay ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa room.

Naiilang na ako dahil pinagtitinginan kami.

Huminto siya ng marating ang room namin..

Nakatayo lang kami sa labas ng room. Hindi nya pa rin kasi binibitawan kamay ko, ayaw ko rin naman bawiin sa kanya..

"Love.." tawag nya sakin kaya tumingon ako sa kanya..

"I'm sorry.. Kasalanan ko bakit sila nag-iisip ng masama sayo. Kung naging ma-ingat lang sana ako. I'm sorry.." tinitigan ko lang siya dahil ramdam kong may sasabihin pa siya..

"At y-yung sandwich.. Hindi ko kasi alam na sayo galing, akala ko kung kaninong admirer ko lang.. I'm sorry, Love." hindi ako makapag-salita.. Naiiyak na naman ako. Sobrang sincere ng bawat salita ni Jelay..

"Hey! Say something.." nakikita ko ang pag-aalala sa mata nya..

"It's okay Je--" tinakpan nya ang bibig ko gamit ang kanyang daliri... Kala niyo kung ano na no? Hahaha

"Love.. Why it's hard for you to call me love?" nakakunot noo na tanong nta..

"I'm sorry, L-love.." napayuko pa ako ng sabihin yun..

"Better." nakita ko naman ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa muka nya..

Inaasar nya ako kapag ngumingiti sya ng ganyan. Feeling ko, gustong gusto nya kapag may nagkakagusto sa kanya.

"Pasok ka na sa loob, Love.." binitawan nya naman na ang kamay ko at nakangiting kumakaway habang nalakad palayo..

Ngumiti naman ako sa kanya..

Ang sarap sana ipagsigawan na Love tawagan namin kung totoo lang sana.
Sinundan ko lang sya ng tingin kahit nakatalikod na sya sakin hanggang mawala sya sa paningin ko.

*Sigh

Dati kuntento na akong makita siya mula sa malayo pero ngayon na naramdaman ko na ang pakiramdam na nasa tabi ko sya, na hawak ko siya parang gusto ko pa ng higit.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon