Chapter 53

674 49 29
                                    

JELAY POV

Pinapunta ako ni Achi sa isang park..
Pamilyar sa akin ang park na ito. Hindi ko malilimutan.
Pagdating ko dun ay naabutan ko siyang nakaupo sa isang duyan at may hawak na gitara.

Tinitipa nya iyon sa hindi ko malaman na kanta ngunit malungkot ang tunog.

Tumingila sya at nagtagpo ang mata namin..

Ngumiti siya ng alanganin sakin kaya ngumiti na din ako. Yung totoong ngiti ko.

"Kanina ka pa dito?" tanong ko sa kanya.

"Sakto lang." ngiting sagot niya.

"Maupo ka." tinapik nya ang katabing duyan nya.
Tahimik akong naupo dun habang mahinang tinulak ng paa ko ang lupa para maduyan ako.

Ilang minuto din ang lumipas na wala akong ibang naririnig kundi ang pagtipa nya sa gitara.
Hanggang sa ihinto niya iyon.

Magsasalita na sana siya ng makita kong tumatawag si Karina..

"Wait. Sagotin ko lang." paalam ko dito. Tumango naman siya.

Lumayo ako sa kanya bago ko sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Naayos ko na yung place." simpleng sagot nito.

"Sure ka? Yung lights? Gusto ko dim lang para medyo romantic. Alam mo naman yun hopeless romantic. Haha" natatawang ani ko.

"Oo nga. Paulit ulit ka naman!" pagalit nito

"Yung pagkain? Tikman mo ha? Baka di masarapan si Kaori." paala ko pa rin sa kanya.

Kahapon pa kasi ako kinakabahan para dito. Mabuti na lang nag-volunteer si Karina na tumulong sa akin.

"Nakakain ka na dito diba? Ikaw na nagsabi masarap pagkain nila dito." iritang sagot nito

Kulang pa siguro siya sa tulog. Maaga ko pa kasi siya ginising kanina.

"Basta tikman mo pa rin." pilit ko

"Okay na nga lahat. Nasaan ka ba kasi? Para makita mo. 7pm pa naman yung dinner." usisa ni Kare

"May mahalaga lang akong inaasikaso." sagot ko dito

"Sige. Goodluck sa inyo!" masayang ani nito.

Mamaya ko na kasi balak tanongin si Kaori para maging official kami..

"Sige Kare! Salamat." nakangiting saad ko

"Wow! Bago ah. Nagpasalamat. Yan nagagawa ng inlove?" pang-aasar nito
"Ingay naman. Sige na. Babye!" paalam ko dito at pinatayan ng tawag.

Tahimik akong bumalik sa pwesto namin ni Achi.

"Ano na nga yun?" tanong ko dito..
Ngumiti naman siya sakin at muling nag-strum sa gitara niya.

You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you
You'd be like Heaven to touch
I wanna hold you so much
At long last, love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you

Nagsimula siya kumanta kaya napangiti ako. Ang ganda talaga ng boses niya...

Pardon the way that I stare
There's nothin' else to compare
The sight of you leaves me weak
There are no words left to speak
But if you feel like I feel
Please let me know that it's real
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon