Chapter 25

785 51 20
                                    

Paglabas ko sa maliit na kwarto ay nakita ko si Donny na naglalakad palayo.
Nanghina ang tuhod ko.

Kabilin-bilinan sakin ni Jelay na wag akong magpapahalik sa iba but someone stole my first kiss!! I want it to be Jelay but it can't be now.

Di ko mapigilang mapaluha.

Tang ina ka Donny!! Hindi ka na makakalapit sa akin!

Pagkatapos umiyak ay bumalik ako sa dalampasigan para kunin na si Dale.

Ayuko na sa lugar na ito! Sinusumpa ko ang lugar na ito. Gusto ko ng umuwi at umiyak ng umiyak.

"Dale.." tawag ko sa anak namin ni Jelay na nakaupo sa tabi ni Karina.

"Ayos ka lang Kao?" nag-aalalang tanong ni Kare.

"Oo." mahinang sagot ko

"Nag-away ba kayo ni Jelay? Namamaga mata mo" tanong nito

"Hindi. Tara na. Mag-ayos na tayo para makauwi na" aya ko dito at nauna ng maglakad habang inaalalayan si Dale.

Pagpasok ng kwarto ay nakita ko si Jelay. Nakukunsensya ako sa kanya.
Galit din ata sya sakin dahil sa nakita nyang pag-uusap namin ni Donny. Paano pa kapag nalaman nyang hinalikan ako nito?

Gusto ko na namang umiyak..

Hinubad ko ang kwentas at nilagay sa wallet ko. Pagkatapos ay nagsuot ako ng salamin at tinanggal ang pusod ko para bumaba ang bangs ko at matakpan ang mata ko na halatang galing sa pag-iyak.

Nakatulog na si Dale hindi ko alam kung dahil sa pagod o dahil sa katahimikan ng kwarto namin.
Walang nakibo samin ni Jelay. Nakahiga ako sa tabi ni Dale samantalang sya'y nakatayo lang at nakatanaw sa bintana.

Gusto kong magpaliwanag sa kanya kung bakit kami nag uusap kanina ni Donny.
Gusto ko syang tanongin kung ano na sasabihin nya sakin, kung ano na pag-uusapan namin pero wala akong maharap na muka sa kanya.

Donny stole my first kiss at ramdam na ramdam ko pa rin iyon sa labi ko.
Gusto kong masuka. Gusto kong burahin na lang ang labi ko.

*tok *tok *tok *tok

Parehas kaming napatitig sa pinto. Ayukong buksan iyon dahil baka si Donny iyon. Hindi ko makakayang makita ang muka nya.

Si Jelay ang tumayo at nagbukas ng pinto.

"Tara na. Matagal pa biyahe natin" narinig ko ang boses ni Karina.

"Let's go" aya ni Jelay pero di ako nililingon.

Siya ang nagbitbit ng duffle bag at backpack na dala namin. Ako naman ang bumuhat kay Dale na natutulog.

Nauna ng maglakad si Jelay na sinundan ko.
Sumabay naman si Karina sakin maglakad.

"LQ?" tanong nya.. Napa-iling na lang ako.

Paano magiging LQ? Para lang yun sa nagmamahalan at hindi sa mag-isang nagmamahal.

Hanggang makapasok sa kotse ay seryoso lang ang muka ni Jelay.
Napansin ko rin sila Missy na sumakay sa kotse ni Donny.

"Dun mo ba gusto sumabay?" matigas na tanong ni Jelay sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"H-hindi. Napatingin lang ako." sagot ko dito

Inistart naman nya ang sasakyan at nagsimulang magdrive.
Nakatulala lang akong pinagmamasdan ang nadadaanan namin.

"Bakit di ka matulog?" tanong sakin ni Jelay na napangiwi ako.

Hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin yung halik. Bweset talaga! Gusto ko na naman maiyak.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon