Chapter 38

726 54 10
                                    

KAORI POV

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Kyzha ay dumiretso ako sa bahay. Nagbabakasakali na maaabotan si Jelay dun pero wala siya.

Sinubukan kong tawagan ang phone niya pero di nya sinasagot.
Tinawagan ko na lang si Karina kahit nahihiya na ako dito.

Pakiramdam ko ay di na siya natutuwa sa akin sa ginagawa ko kay Jelay.

Hindi nya rin daw alam kung nasaan si Jelay. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Tinulongan ako ni Kare magtanong tanong sa mga kakilala nila pero miski sino ay walang nakaka-alam kung nasaan ito.

Tinawagan ko rin si Mommy at Daddy pero di rin nila alam.

"Tingin ko, uuwi din si Jelay. Hindi nya kayang wala si Dale." saad ni Karina

"Pero paano kung may mangyaring masama sa kanya?" nag-aalalang tanong ko.

Hindi naman ito nasagot ni Karina ng dumating ang Mommy ni Jelay.

"Anong nangyayari iha?" nag-aalalang salubong nito sa akin.

"I'm sorry po, Mommy." naiiyak na sagot ko sa kanya..

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.

"Normal yan. Mapag-uusapan niyo yan.." pag-aalo nito sa akin. Napaiyak na lang ako sa balikat nito.

"Ssshhh.. Wag ka na umiyak. Nakatingin si Dale baka isipin nya ako nagpa-iyak sayo." natatawang biro nito kaya pinunasan ko na ang luha ko.

"Sige na. Hanapin nyo si Jelay. Ako muna magbabantay kay Dale." ani nito na sinunod namin ni Kare.

Inabot kami ng gabi ng magtext si Jelay kay Karina. Nagpapasundo ito sa isang bar.

Nasaktan akong isipin na si Kare pa ang tinext nito. Pwede namang ako.

Naabutan namin siyang tulog.. Buti na lang walang lumalapit sa kanya.
Kahit papano ay nakakapaglakad si Jelay ngayon hindi katulad kagabi.

Tahimik lang na na nagddrive si Karina, hindi ko alam kung anong iniisip nya. Hiyang hiya na talaga ako sa kanya.

Hanggang makarating sa bahay ay di sya nagsasalita. Inabot nya lang sakin ang susi ng kotse ni Jelay at umalis na.
Nagpasalamat ako sa kanya pero di siya umimik.

Baka pagod na siya at nakaka-abala na talaga kami.

Dahan dahan kong nilapag sa kama si Jelay na lasing na lasing..

"Love naman.. Gabi gabi na lang ba tayong ganito?" kausap ko sa kanya. Hindi naman siya makakasagot kaya inasikaso ko na lang siya.

Pinunasan ko siya at binihisan.. Pagkatapos ay tumabi na ako sa kanya. Pinagmamasdan ko lang sya habang natutulog.

Hinaplos ko ang maganda nyang muka. Bakas ang pag-iyak dito.
Kinuha ko ang kamay niya at dinala sa pisngi ko..

"I'm sorry.. Nasaktan kita. Hindi ko natupad ang pangako ko sayo. May mga bagay akong nasabi na hindi dapat. I'm sorry, Love.. Nagpadala ako sa selos ko. Ang selosa ko kasi wala namang tayo" dinampian ko ng halik ang kanyang kamay..

"I'm sorry, masyado akong naging demanding sayo. Masyado akong selosa. Hindi kita pinakinggan muna pero Love, maniwala ka. Ni saglit hindi sumagi sa isip ko na iwan ka. Hindi ko kaya yun, Love.. Hindi.." pinayakap ko ang kamay ni Jelay sa bewang ko at sumiksi sa kanya.

"Sana mapagbigyan mo pa ako ulit. Give me another chance to prove to you how much i love you.. Ang tanga ko kung papakawalan lang kita. Dalawang taon kitang tinitigan lang, ngayon na abot kamay na kita hindi na kita papakawalan" matagal kong tinitigan ang labi nya, palipat lipat sa mata nyang nakapikit. Bago ko dinampi ang labi ko sa kanyang noo.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon