Chapter 30

775 47 8
                                    

"What? What happened to her?" tumuturo ito somewhere pero di malinaw.

"Sa gym, binu---" hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya. Tumalima na ako sa Gym.

KAORI POV

Pagkalagpas sa building ni Jelay ay may humarang sakin na apat na babae. Hindi ko naman sila mga kilala kaya nilagpasan ko lang.

"Araaay!" reklamo ko ng hilain ng isa ang buhok ko.

Hinawakan ko ang kamay nito at pilit tinanggal ang kamay nya pero hinawakan ako ng dalawa pa ang magkabilang kamay ko.

Ang sakit! Parang matatanggal ang buhok ko..

"Ano bang problema nyo?! Hindi nyo ba ako kilala?!" bulyaw ko sa kanila pero kinaladkad nila ako papuntang Gym.

Malakas nila akong tinulak kaya naman natumba ako..

Muntik pang masubsub ang muka ko pero tumalsik ang salamin ko.

Dadampotin ko sana iyon ng matapakan ito ng isa sa kanila upang sipain ako sa may sikmura.

"Ahh" impit na daing ko

Dumadami na rin ang mga estudyanteng nakakakita pero wala man lang umaawat.

"Anong problema nyo?!" inis na tanong ko sa kanila.

Imbes na sagotin ay hinila na naman ng isang babae ang buhok ko patayo..

"Layuan mo si Jelay!" ani nito at kinalmot ang muka ko.

Ang talim ng kuko nya. Naramdaman ko paghapdi ng muka ko.
Malakas ko syang tinulak at dinampot ang salamin ko tsaka iyon muling sinuot.

"Bakit ko naman siya lalayuan?!" balik sagot ko. Not even in my dreams na lalayuan ko si Jelay. Manigas sila!

Malandi ka! Sigaw nito sakin at muli nila akong sinabunutan.

"Aray ko! Bitawan nyo nga ako!" kumakawala ako sa kanila pero masyado silang madami. Hindi ko naman sila pwedeng saktan dahil nakakahiya iyon bilang isang President ng school na masasangkot sa gulo.

Kapal ng muka mo mag-inarte kay Jelay!

You Witch! Ginayuma mo si Jelay!

"Mga baliw ba kayo?!" ginayuma? Hindi pa nga nagsasabi sakin na mahal niya ako! Tsaka nyo na ako awayin kapag love nya na ako.

Ang pangit mo! Hindi kayo bagay!

Malakas na tulak ulit ginawa nila sa akin. Nakita kong sasampalin ulit ako nung isa sa kanila kaya napapikit na lang ako.

Hinintay ko lumapat ang kamay nya sa muka ko pero wala akong naramdaman.

"Don't dare to lay your filthy hand to my love!!" narinig kong boses ni Jelay na galit na galit.

Lumapit sakin si Jelay at niyakap ako.. Nawala agad ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ng yakapin nya ako.

"Who dare to hurt her?!!" dumagundong ang boses nito sa Gym.

"Jelay, you're under her spell. She's a witch. We're just protecting you." sagot ng babaeng kumalmot sa akin.

"Shut up!! I know what i am doing and i know what i am feeling!!" galit pa rin na sigaw ni Jelay.

Nagulat ako ng kunin ni Jelay ang salamin ko at mabilis na ibinato sa muka ng babaeng sasampal dapat sa akin.

Nakita ko ang pag-singhap ng ibang nanunuod.

Umiyak ang babae sa ginawa ni Jelay. Marahil sa sakit ay pagkapahiya.

"Binago ka na talaga ng babaeng yan. Nagbago ka na Jelay!" umiiyak na saad ng babae.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon