Chapter 24

785 52 19
                                    

JELAY POV

Habang masayang nakain si Dale ng ice cream ay pinapanuod ko naman si Kaori. Pinagmamasdan ko ang muka nya. Ang ganda ganda nya ngayon pero kahit naman nung nagkita kami sa mall nung bagong dating pa lang si Dale napansin ko naman ng maganda sya. (Chapter 2) Mas iba lang talaga ngayon.

"Love, i want ice cream too." lambing ko sa kanya. Na pangiti ako ng masgsandok sya ng ice cream at iabot sakin.

"Yey! Salamat!" masayang turan ko at hinalikan siya sa pisngi. Hehe

"Halik ka ng halik dyan kapag ikaw hinalikan ko diyan hmm..." saad nya na di natingin sa akin.

"Sus. Di mo naman kaya yun" hawakan nga lang ako di mo magawa e.

"Akala mo lang yun.." pilit nya.

"Di mo kaya hahaha"  tumatawang sagot ko kasi imposibleng magawa nya.

"Wag mo kong subukan baka di mo kayanin kapag ako humalik sayo" i was caught off guard. Biglang bumilis tibok ng puso ko. Para akong kinakabahan pero di ako natatakot.

"Joke lang.. Di ko yun gagawin." i mocked myself at the back of my mind. Sabi sayo di nya gagawin yun.

Kaya nya pero di nya gagawin.

"Jelay, joke nga lang. Di mabiro" di magandang biro.

"Kain ka na lang ice cream" sinubuan nya ako na agad ko naman kinain.

After nya ako subuan ay tinitigan nya lang ang kutsara. Ang arte talaga nito.

"Oh? Bakit di ka na kumain.. Kain ka pa" ako naman nagsubo sa kanya pero ramdam ko na may pag-aalinlangan syang sinubo iyon.

"Mommy, i want more" hirit ni Dale

"Tama na yan Dale, baka sumakit ngipin mo" suway ko dito

Ngumuso siya kay Kaori. Subukan mo lang kampihan yan, di kita papatabihin sa kama.

"Your Mommy is right.. Enough na yun" very good hehe

"Swimming na lang tayo." aya ko kay Dale. Tsaka gusto ko rin makasama si Kaori mag swimming, hindi pa kami nagkaka-bonding talaga ngayon. Nagkasakitan pa kami.

"Okay Mommy!!" masayang sagot ni Dale.

Sinadya kong maghubad sa harap ni Kaori. Alam ko naman may pagnanasa sa akin ito.
Nasulyapan ko siyang nakatingin sa katawan ko. Napangisi naman ako. Sabi na nga ba.

"Mommy! Let's go!" aya sa kanya ni Dale.

Gusto ko sana hawakan kamay nya papunta sa dagat kaso naunahan na ako ng anak ko. Napa-palatak na lang ako

Tinuruan ko naman lumangoy si Dale. Ang laki nya di pa siya marunong lumangoy kasi..

Hirap na hirap naman ang bata.

"Mommy, i'm drowning." saad ni Dale na mabilis kong inangat sa tubig

"Wag kang matakot, hindi kita pababayaan." pagkumbinsi ko sa kanya

"But Mommy, it's not easy.." tinitigan ko naman ng mabuti si Dale.

"It's not easy but if you keep on trying you gonna make it and it will make you happy. Just don't be afraid, i'm here" pagpapalakas ko ng loob nya.

"Time first Mommy. I'm gonna drink water." saad ni Dale

"Bumalik ka ha" pagpayag ko

"Yes Mommy" sagot nito at bumalik sa Cottage.. Napansin ko namang tumatawa si Kaori

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon