Chapter 45

704 52 18
                                    

JELAY POV

Ilang araw na rin lumipas simula matapos ang Student Week Fair bumalik na sa normal ang buhay sa University.

Maliban sa mga tingin nila sa akin.

May tingin na nanghuhusga at tingin na nang mamaliit.
Hindi ko na rin alam saan ilalagay ang selos ko, lagi na lang kung sino sino nagpapadala ng bulaklak at chocolate kay Kaori.

Wala naman akong dapat ika-selos kasi wala naman tinatanggap si Kaori sa mga yun pero ayon nga ang nakakabaliw, paano kung isang araw magising na lang ako may iba ng gusto si Kaori?

Gusto ko ipaalam sa lahat kung anong meron kami ni Kaori pero sa huli ang sinasabi lang nila ay cheater ako. Hindi ko deserve si Kaori.

Paulit-ulit.

"You okay?" tanong sa akin ni Kaori habang inaasikaso ako sa pagkain.

Ang swerte talaga ni Jelay kay Pres.

Sana matauhan na si Kaori. Hindi nya deserve si Jelay. Deserve nya pagsilbihan hindi manilbihan.

Wala bang kamay si Jelay? Nakakaawa si Kaori

I stopped Kaori from getting a drink for me.

"I can eat on my own, Love." saad ko dito

"Ako na, Love.. Hehe" makulit na ani nya na ayaw tumigil.

"Kaori!" napalakas na ani ko.. Mas nag tingin naman samin ang iba.

Nakita ko rin pagkagulat sa muka ni Kaori.

"Ako na nga sabi.. Kaya ko!" reklamo ko sa kanya.

Ayuko ng mga naririnig ko..

"Anong problema, Love? Normal ko naman ginagawa ito ah?" tanong niya sa akin.

"Then stop doing it!" naasar na turan ko at kumain na.

Kawawang Kaori, bakit kasi nagtitiis siya kay Jelay?

Cheater na nga, mainitin pa ulo.

Kapag nagbreak sila Pre. Liligawan ko talaga si Kaori.

Napatawang pagak na lang ako sa narinig ko..

Araw araw na lang iba iba naririnig ko pero ang bottom point, malas si Kaori sa akin.

Alam ko naman hindi ako kasing sweet ni Kaori. Hindi niya ako kasing clingy at kasing vocal.
But i'm giving her what i think she needs and wants.

Tahimik lang kaming kumain ni Kaori ng lunch na yun.
Nang uwian ay dumiretso ako sa room nya para sunduin na siya.

KAORI POV

"Early out?" tanong ko sa kanya, tumango naman siya kaya niyakap ko siya. Yumakap naman siya sakin but I feel something odd.

Hindi mahigpit ang yakap niya.

Nagkibit balikat na lang ako baka nag-ooverthink lang ako kahit parang simula ng maging normal ang takbo sa school ay naging moody siya.

Minsan malambing siya kadalasan hindi.
Tinatanong ko siya kung anong problema. Di naman siya nasagot.

Madalas niya rin akong nasusungitan at nabubulyawan tulad kanina sa Cafeteria.
Alam kong masungit siya kapag kinukulit ko pero hindi niya ako binubulyawan ng ganon.

Stress din siguro sya sa study dahil malapit na finals para sa first sem tapos makulit pa ako.

"Hi Pres! Ganda niyo po" bati sakin ng isang lalaki. Tinitigan ko lang ito at kumapit sa kamay ni Jelay.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon