Chapter 37

715 55 19
                                    

Romeo and Juliet is just another example of why communication within a relationship is so crucial.

----

JELAY POV

Ang daming matang nanunuod pero mata nya pa rin ang humuli sa akin.

What's with that eyes? It's always captivate me?

You are my strength and weakness.
My hope and misery.
My happiness and sadness.

How you do this to me? You made me believe in fairy tale then wake me up in the middle.

Pagkatapos kumanta ay mabilis akong bumaba sa stage.. Ang daming humaharang sakin pero wala akong hinihintuan.

Not until, someone grab my hand and i felt the familiar reaction of my body.

"Bitawan mo ko" saad ko ng hindi siya tinitignan.

"Mag-usap tayo, Love." hinarap ko siya at tinitigan sa mata pero agad ko ring binawi. Nanghihina ako sa tingin nya.

Hinawi ko ang kamay niya at iniwan siya dun..

Muli niya akong hinabol.

"Jelay!" pinagtitinginan na kami ng mga tao hanggang marating ko ang kotse at hinablot nya ang kamay ko.

"Bakit ba ikaw ang galit?! Ako nga dapat magalit! Ikaw itong nakipag halikan kagabi!" kumunot noo ko sa sinabi nya.

"For my entire life! I never kissed anyone except YOU!" diinan ko ang you para pumasok sa utak nya.

Alam ko may kahalikan ako kagabi pero siya yun! Wala pa akong pinalapit ng sobra sa akin maliban sa kanya.. Masyado akong naging mahina sa kanya.

Tumawa naman siyang pagak sa sinabi ko.

"Really? I just saw you kissing Kurt last night.." malamig na sagot niya

"Kurt? Are you out of your mind. Ikaw ang kahalikan ko kagabi.." paninigurado ko sa kanya..

Tinitigan nya naman ako.. Nanghihina ako sa titig nya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Ow. How i wish na ako nga ang kahalikan mo kagabi! Pero ako itong matino at kitang kita ang pakikipaghalikan mo sa iba" tiim bagang na sagot niya

"Hindi ako nakipag halikan sa iba. Hindi ako galit. Nasasaktan ako!" nasasaktan ako isiping nagbago siya sakin.

"Nasasaktan? Kung may dapat masaktan dito dapat ako yun! Ikaw ang nakipag halikan kagabi sa iba.. Ako yung todo suyo sayo, kahit na pagod na ako.
Ako yung araw araw pinagluluto ka kahit mapuyat ako.
Ako yung araw araw nagsasabing mahal kita kahit wala kang sagot!" nakita ko ang lungkot, sakit at galit sa mata niya.

"Pagod ka na? Pagod ka ng mahalin ako?" parang tinutusok ang puso ko sa sinasabi nya.

Ganon ba talaga ako kahirap mahalin?

"Hindi ko alam na nakakapagod ka pa lang mahalin." Oo nga. Nakakapagod nga akong mahalin.

"I'm sorry.. I'm not perfect like you expected. Like everyone expected. I'm messy. Mahirap akong mahalin puno kasi ako ng takot na iiwan din ako. Nakakapagod patunayan sakin na mahal ako kasi di ako basta basta naniniwala." nararamdaman ko na ang pag-init ng mata ko.

"Sorry, ito lang kasi ako.. I'm sorry kung ikaw ang nanunuyo sa akin pero sana naisip mo na binibigay ko rin ang makakaya ko para sayo, sorry kung napapagod kang magluto tuwing umaga para sakin.. Hindi kasi ako marunong magluto, hindi kita kayang ipagluto kahit gustong gusto ko.. Ang kaya ko lang ay kainin ang mga niluluto mo para makumpleto ang araw ko. Sorry kung hindi ko masagot sayo na mahal kita, natatakot kasi ako na kapag sinabi ko na sayo yun magbago ka pero nagkulang ba akong iparamdam sayong mahal kita?" sinubukan kong punasan ang mga luha kong naglalandas sa muka ko pero patuloy lang ito sa pagpatak

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon