Chapter 22

805 58 23
                                    

Naupo na lang ako sa may cottage namin at sinamahan ang boys na mag-ihaw. Sumama din kasi si Missy kila Karina at Kaori.

Si Kyzha, ito nasa tabi ko nambubweset.

"Paano naging kayo ni Kaori?" tanong ni Gian habang patuloy sa pagpaypay ng mga barbecue. Pwede naman kasi mag-order na lang trip pa nilang mag-ihaw ihaw.

Sino tinatanong nya? Si Donny ba? Sila ba ni Kaori?

"Hindi naman sila Bro. Sabi nga ni Kaori, special someone" singit ni Donny na nagbabaliktad ng ihaw.

"Hindi kayo ni Kaori? Akala ko naman kayo, kung maka-asta kasi parang girlfriend mong totoo" sabat din ni Kyzha

"Si Kaori ba ganon? Alam ko si Jelay ang umaasta na parang girlfriend." bwelta din ni Donny.

"You two stop fighting. They're both acting like a real girlfriend parang mag-asawa na nga" saad ni Gian..

"Actually, you three stop fighting and mind your own business." sabat ko sa kanilang tatlo.

Paki-alam ba nila sa set up namin ni Kaori?

Tsaka parang asawa? Ha? Sobra naman yun.

"Kung hindi ka seryoso kay Kaori, Jelay.. Ipaubaya mo na siya sa akin. Akin na lang siya" nakatitig saking ani ni Donny..

"E-edi s-sayo na." tumalikod ako sa gawi nila at napahawak sa dibdib ko. Bigla kasi iyon kumirot.

"Sayo na si Kaori, Donny. Hindi naman magugustuhan ni Jelay yun nuh. Diba babe?" tanong ni Kyzha sakin..

"Y-yeah.." sagot ko dito

"Jelay!" narinig kong nagbabanta na boses ni Karina kaya nilingon ko siya.

Ganun na lang pagkagulat ko ng makita na andito na si Kare at Kaori habang nakasunod si Dale at Missy.

Narinig ba ni Kaori yun?

Bweset! Sinadya ni Kyzha iparinig yun. I see her grinning to Kaori that confirmed my conclusions.

"Gutom na daw si Dale. Kain na tayo" saad ni Kaori. Nakita kong tinap siya ni Karina sa balikat.

"Ipapa serve ko na food natin.." ani ni Karina at pumasok sa loob ng hotel.

"Anong nangyari kay Kare? Bakit parang galit?" walang muwang na tanong ni Missy. I guess, hindi nila narinig ni Dale yun. Mabuti naman.

Wala na rin naglakas loob na sumagot sa tanong ni Missy.
Lumapit naman sakin si Dale at naupo sa tabi ko.

Pahaba ang lamesa namin. Naupo ako sa dulong bahagi, katabi si Dale. Katabi nito si Kaori na katabi si Donny.
Sa harap ko naman nakapwesto si Kyzha na katabi si Karina.

"Ang daming foods! Yehey!!" masayang ani ni Dale kaya nginitian ko siya..

"You like that baby?" tanong ko dito

"Yes Mommy!" hyper na sagot nito. Si Dale na lang talaga nagpapagaan ng loob ko pero kanina okay naman ako pero ngayon parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko, parang may batong nakadagan sa puso ko.

Nilagyan naman ng kanin ni Kaori ang plato ni Dale at pinaghimay nya ito ng hipon.
Nagsisimula na ring kumain ang iba.

"Stop that Tita, let mommy do that." suway ni Dale kay Kyzha kaya tinignan ko ito. Nilalagyan niya pala ng kanin ang pinggan ko. Hindi ko napansin.

"Ako na Kyzha, kumain ka na diyan." mataray na pahayag din ni Kaori. Umismid naman si Kyzha.

Nilagyan ng kanin ni Kaori ang plato ko at tiyan ng bangus, binigyan nya rin ako ng ibang hipon na hinimay niya..

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon