Chapter 5

1.1K 64 6
                                    

KAORI POV

Madaling araw na pero di pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa ang mga sinabi ni Jelay..

I think we're couple on Dale's World.

You're so cute!

O-M-G! Mababaliw na ako.
Tinititigan ko lang rin ang number nya sa cellphone ko.

I named her as "Mommy ni Dale" hehehe
Hindi pwede na kung ano-anong pangalan ilagay ko sa kanya. Baka maisipan nya na naman hiramin ang phone ko. Kanina nga't muntik nya na naman makita na wallpaper ko siya. Naku! Naku!

Pero maliban sa pag-iisip ko kay Jelay ay isa pang iniisip ko talaga ay si Dale. Mukang laki sa yaman ang bata. Nasa middle class naman ang family namin ni Jelay pero tingin ko kay Dale nasa Highest Class sya nanggaling.

Yung mga sinasabi nyang bagay puro mararangya. May mansion daw kami, a lot of cars, restaurants, hotels, resort and airplanes. Grabe lang!

Now, i am wondering kung gaano kaswerte ang Kaori Oinuma sa mundo ni Dale.

Imagine, having a wife like Jelay? Then super rich.. OMG! Minsan nagseselos tuloy ako.. Tapos may cute baby pa siya.

Pero kung andito sa mundo namin ngayon si Dale ibig sabihin nawawala siya sa Mundo niya talaga? Baka sobra na akong nag-aalala dun.

Don't worry self, di ko pababayaan anak natin.

Bulong ko sa hangin.. Sana marinig ng Mommy ni Dale. Alam kong nag-aalala sila.

Kung nagtataka din kayo bakit di ko tinatabihan si Dale sa pagtulog ay dahil ayaw nya. Mas sanay siyang matulog mag-isa sa sarili nyang kwarto.

Naalala ko kahapon, nagising sya ng madaling araw at nag tatantrums. Bakit ko daw sya tinabihan matulog, Big boy na daw sya.. Kaya kinaumagahan pa lang ay inaayos ko na ang kwarto nya.

Naisip ko mana sakin si Dale. He is smart and independent. Yun nga lang minsan nagtatantrums, siguro yun namana nya kay Jelay. Hehehe

And his face, sobrang kamuka ni Jelay. Wala man lang nakuha sakin kahit konti.. Sabagay, apelyido ko naman dinadala nya. Hehe

Dahil hindi makatulog ay naisipan kong mag-search na lang tungkol kaso ni Dale.
Nakatulog na ako kaka-search pero walang malinaw na paliwanag paano nangyari ito at paano siya makakabalik sa mundo nya.

Paano kung hindi na sya makabalik sa mundo nya?

Paano ko rin ipapaliwanag sa magulang ko si Dale?

Paano ang tunay na magulang nya?

Ang kumplikado.

Nagising ako ng maaga na hindi ko alam kung naka tulog ba talaga ako..
Maaga akong nagluto ng almusal namin ni Dale.

Sa gitna ng pagluluto ay nakarinig ako ng busina ng sasakyan sa labas ng bahay.

Buti na lang pinapakulo ko pa ang tinola kaya nilabas ko muna kung sino man ang nagbubusina sa labas.
Lumaki ang mata ko ng makita ko si Lexus!

O-M-G! Ang aga mo naman crush. Hehe

Nagmamadali akong pagbuksan ng gate si Jelay para na rin ma-Park nya sa loob si Lexus.
Pinasok nya naman agad ito kaya sinara ko na ang gate..

Hinihintay ko siyang makalabas ng maalala ko yung niluluto ko

Hala! Baka matuyuan.

Nagmadali akong pumasok sa loob. Buti na lang ay sakto lang kulo nito kaya pinatay ko na stove.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon