Chapter 57

821 50 24
                                    

KAORI POV

"Bakit mo ko sinundo? Sabi ko sayo dun na lang tayo magkita?!" irita na ani ko kay Lance.

Napaka mapilit. Hindi ko naman talaga siya gusto maka-Date sa Night Ball kaso pinilit nya din ako. Sabi nya liligawan niya daw ako kapag di ako pumayag at kapag pumayag naman daw ako di na siya mangungulit.

"Ako date mo e. Kaya dapat sunduin kita!" nakangising sagot nito.

Proud na proud pa siya akala nya naman ginusto ko!

Hindi na ako nagsalita at sumama na lang sa kanya.

Kinakabahan naman ako.. Ilang araw ko rin hindi nakita si Jelay. Ilang araw ding tumahimik ang mundo sa pangungulit niya.

Napaka-tiyaga niya sa akin. Siguro ganon niya talaga kamahal si Dale.

Feeling ko kasi nilalapitan niya lang ako kasi nagbabakasakali siyang babalik si Dale. Nagbabakasakali siyang mababago nya ang ending ng libro.

Wala na yun. Tapos na ang kwento namin hindi na ako naasa.

Walang saysay umasa sa bagay na walang katotohanan.

Entrance palang na event ay rinig na rinig ko na ang tugtog at kitang kita ang mga spotlight sa paligid.

Kinakabahan akong pumasok sa loob.

Pagpasok ko pa lang ay natulala na ako ng mata ni Jelay ang nakasalubong ko.

We're both wearing royal blue dress. Hindi kami nag-usap ha?
Maybe we're just both feeling blue.

Ilang sandali akong hindi nakagalaw sa pwesto ko hanggang sa nakita ko siyang ngumiti.

Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ngumiti na abot sa kanyang mata.

"Let's go?" naramdaman ko ang kamay ni Lance sa bewang ko. Dun lang ako natauhan na nakipagtitigan na naman pala ako kay Jelay.

"Tara." inalalayan ako maglakad ni Lance kaya nagpasalamat ako sa kanya.

Hindi rin kasi ako sanay mag-heels. Hindi nga alam bakit ako nag-heels ngayon!

Naupo ako sa tabi ni Missy. Sa tapat ni Jelay ako nakaupo. At ramdam ko ang mga titig nya.
It's really makes me uncomfortable lalo na't ang likot din ng kamay ni Lance. Hindi ko naman siya magawang sawayin dahil mapapahiya siya.

"Love.." narinig ko na parang bumulong ang hangin kaya napatingin ako sa gawi ni Jelay.

Muli nagtama ang mata namin. Kitang kita ko ang lungkot nya at pagpipigil umiyak.

Mabilis ako nag-iwas ng tingin..

She's really good at pretending. Hindi na dapat ako magpadala.

Sinubukan ko lahat ng makakaya ko na iwasan tingnan si Jelay..

"Jelay, kumain ka.. Paborito mo oh." nilagyan ni Karina ng mango grahams si Jelay sa plate nito.

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanila.

"Missy.." mahinang tawag ko dito.

"Yep?" namumulang sagot niya. Nakaka-rami na ata siya ng wine e.

"Si Karina ba walang nakukwento sayong nagugustuhan niya?" sumulyap naman si Missy kay Kare..

"Wala e. Paano magkaka-lovelife e napaka ulirang bestfriend. Lagi nakabuntot yan kay Jelay." sagot ni Missy..

"I see." sagot ko dito at hindi maiwasan pag masdan ang galaw ni Karina.

Maybe, nagiging malisyosa lang ako. Naalala ko dati, si Karina ang todo tulak samin ni Jelay. Imposible ang iniisip ko.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon