Chapter 19

812 56 6
                                    

"I told you, i'm waiting for someone" it's like a sword that stabbed in my heart..

"But i still want to try.." wala ng atrasan ito. Nasabi ko na. Andito na ako. Kung hindi ngayon, kelan pa?

"Bahala ka pero sinabi ko na, i'm waiting for someone." ang sakit na nga nung unang beses nyang sinabi, pasakit pala ng pasakit habang pinapaulit ulit.

"Just let me love you." sagot ko at tumalikod na sa kanya. Baka kontrahin nya na naman ang sinabi ko e

Iniisip nyo bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob? Kasi ayuko ng palampasin ang pagkakataon.

Nakita ko na matabil ang dila ni Jelay pero hindi siya bayolente o masamang tao. Hindi niya tinotoo ang mga masasamang banta nya.

Kahapon kung asar asarin siya ni Karina ay sobrang lala pero hindi naman siya nagagalit talaga dito kaya susugal na rin ako.

Ayuko rin maunahan pa. Kung bumalik man hinihintay nya dapat ako na ang mahal ni Jelay.

--

Kinabukasan ay maaga ako nagising para maghanda ng kakainin habang nasa biyahe kami.

Magaan ang gising ko. Handa na ako paulanan si Jelay ng pagmamahal ko!

Humanda ka Jelay! Hindi kita tatantanan hanggang di tayo nagkakaroon ng sariling Dale.. Hehe

"Good morning Love.." bulong ko kay Jelay.

Ungol lang ang sinagot nito kaya bumangon na ako.

"Sa sunod ibang ungol na yan, Love hihihi" bulong ko sa kanya pero alam ko naman di nya maririnig dahil tulog na tulog siya.

I look myself in the mirror..
"You're pretty!" ngiting sabi ko sa sarili ko.

Si Jelay nagsabi nun kaya maniniwala ako.

Medyo madilim pa sa labas dahil 4:00am pa lang..
Naghanda ako ng sushi at rice ball.
Pagtingin ko sa oras ay 5:00am na. Sabi pa naman namin kay Karina dadaanan namin sya ng 5:30am

Nag madali na akong umakyat sa kwarto at nakaligo na pala si Jelay..

"Gisingin mo na't paliguan si Dale, Love.." nakangiting utos ko dito tinaasan naman ako ng kilay.

"Inuutos utosan mo na ako?" reklamo nya

"Maliligo na po kasi ako, naghihintay na sa atin si Karina. Sige na Love, gisingin mo na anak natin at paliguan." utos ko ulit at pumasok na sa banyo.

Muli kong binuksan ang pinto..

"Love!" tawag ko naman sa kanya na agad nyang nilingon.

"I love you.. Hihihi" nahihiyang ani ko at pumasok na sa loob ng banyo..

Naligo na ako.. Mabilis lang kasi maliligo din naman kami sa pupuntahan namin..

Pagtapos ko mag-ayos ay handang handa na si Jelay at Dale na naghihintay sa akin..

"Let's go." aya ni Jelay samin. Pinasok namin mga gamit sa compartment at chineck naman ni Jelay ang seatbelt ni Dale bago ako pagbuksan ng pinto.

Sweet talaga ng bibi ko. Hihihi

"Wag kang ngumiti diyan." ani nya bago isara ang pinto..

"Ready?" tanong ni Jelay kay Dale bago start si Lexus.

"Yes Mommy!! Swimming!" excited na sagot ni Dale.

Sobrang spoiled ni Dale kay Jelay.. Feeling ko kapag sinagot na ako ni Jelay at maging kami.. Spoiled niya rin ako hihihi

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon