Chapter 17

784 61 5
                                    

KAORI POV

After my class tinawagan ko agad si Ate Cha. Kinamusta ko si Dale. Tapos na daw ito kumain at natutulog na.

Sarap buhay ni Dale. Kain, tulog, laro..

Naisipan ko naman i-text si Jelay. Di naman magagalit sakin yun diba?

To: Mommy ni Dale

Love, Lunch na. Eat your sandwich.

Baka kasi itapon nya na naman. Sayang naman.

Calling Mommy ni Dale...

Nanlaki mata ko ng makita ko ng natawag siya.
Agad ko namang sinagot yun..

"Where are you?" tanong nya

"Cafeteria. Same spot." bakit niya tinatanong kaya?

Andito na ako Cafeteria magkakasama kami nila Missy, Gian at Donny.

Nasa tabi ko si Donny at nasa tapat ko si Missy.

"Okay. Papunta kami diyan ni Kare. Ayos lang ba makishare ng table?" hala, punta siya? Medyo mainit pa naman dugo sa kanya ni Missy.

Hindi ko naman siya pwede tanggihan dahil ayuko din naman nun.

"Okay" sagot ko na lang sa kanya. Bahala na.

Nilipat ko ang bag ko sa pagitan namin ni Donny. Napansin kong nagtaka naman siya pero nginitian ko lang siya.

Ilang saglit pa na hindi ako mapakali. Excited na akong makita si Jelay kahit kakakita lang namin kanina. Hehe

"Love.." Lumingon ako sa pinangalingan ng boses na yun at sinalubong mabilis na paghalik niya sa pisngi ko.

Ang hilig naman manghalik Jelay! MyGosh! Isa pa nga.

"Hi! Pwede maki share? Hehe" pagpapaalam niya sa mga kasama ko. Ang cute para siyang nahihiya.

Marunong pala siyang mahiya?

"Sure!" magiliw naman na sagot ni Gian pero kita kong ang sama ng tingin ni Missy kay Jelay. Ganyan na siya simula ng malaman nyang nilalapitan ako ni Jelay.

Naupo naman na si Jelay sa tabi ko at si Karina sa tabi ni Missy na ngumiti pa sakin.

Nakakahiya tuloy kay Jelay. Ang sungit sa kanya ng kaibigan ko pero yung kaibigan nya, ang bait bait sa akin.

Nagsawalang bahala na lang muna ako. Aasikasohin ko na lang si Jelay.

"Anong gusto mo, Love?" malambing na tanong ko dito

"Ako na. Kain ka na diyan." sagot ni Jelay at inaya na si Karina.

Naiwan naman kami na tahimik..

"Missy.." tawag ko kay Missy..

"Ano?" inosenteng tanong nito

Baka naman ma-offend sya kapag pinagsabihan ko siya tungkol sa trato nya kay Jelay.

Walang ginagawang masama sakin si Jelay simula ng magkakilala kami. Casual lang talaga trato nya sakin minsan nga protective pa siya at sweet.

Kaya nga mas nahuhulog pa ako sa kanya sa bawat araw na lumilipas.

"Wala" umiling na lang ako dito at nagsimulang kumain na..

Bumalik naman agad si Jelay sa tabi ko at sa tapat nya si Karina.

"I bought banana shake for you, Love"  nakangiti pa sya sakin habang sinasabi yan. Gusto ko ng gayahin si Dale at pugpogin siya ng halik sa muka. Hihihi

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon