Chapter 54

696 50 29
                                    

Pictures make us believe in something that's not real.

--

JELAY POV

Pauwi ako sa bahay ng makaramdam ng kaba.. Hindi ko alam kung na-eexcite lang ba ako pero parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

Pagdating sa tapat ng bahay ay bumusina ako ng ilang beses pero walang nagbubukas.

Nasaan si Ate Cha?

Dahil ilang minuto na ako sa labas ay ako na nagbukas ng gate.
Pinark ko ang kotse ko.

Paglabas ko ng kotse ay kapansin pansin ang sobrang katahimikan sa bahay.. Lalo akong kinabahan.

Binuksan ko ang pinto at naabutan ko si Kaori na nakayuko sa couch.

Andito naman pala siya.. Bakit di niya ako pinagbuksan? Tsaka nasaan si Ate Cha at Dale?

"Love?" tawag ko sa kanya na hinawakan siya ng marahan sa braso..

Nabigla ako ng marahas nyang tampalin ang kamay ko..

"aww." reklamo ko dahil sa sakit.

"Anong problema? Nasaan si Dale?" takang tanong ko na nilibot ang mata sa paligid.

Hindi nya ako iniimik kaya tumabi ako sa kanya at akma siyang yayakapin pero marahas niya ako tinalak at binato sa dibdib ko ang isang libro..

"Aray! Love, anong problema?" tanong ko sa kanya

Tumawa siya ng pagak.

At ng masilayan ko ang mata nya ay nangilabot ako. Sobrang lamig ng pagtitig nya sakin..

Kinuha ko ang libro na binato niya at tinignan iyon..

Nanlaki ang mata ko dahil sa nakitang laman nun..

"S-san mo nakuha ito?" takang tanong ko..

Hanggang sa tuloyan akong napanganga sa huling pahinang naka drawing dun..

"Love.." tawag ko sa kanya pero tinulak niya lang ako..

"Wala na siya!!! He left! He left kasi tapos na ang kwento natin! Kasi may pinili ka!" umiiyak na ani nito..

"Hindi kita masisisi na siya ang pinili mo. Hindi kita sisihin na nawala si Dale dahil pinili mo si Achi.. Pero pwede, umalis ka na sa buhay ko!!" napahinto ako sa mga sinabi niya..

"W-wala na si Dale?" hindi makapaniwalang ani ko..

"Love.. Sinubukan mo na ba siya hanapin kahit saan?" pinipilit ko siya hawakan pero winawaglit niya iyon.

"Inihanda ko na ang gamit mo.. Makakaalis ka na."

Nakita ko ang mga maleta ko sa gilid.

Umakyat si Kaori papunta sa kwarto kaya pinigil ko siya. Hinawakan ko siya sa kamay pero parang napapaso siya na binawi agad yun.

"Love, sigurado ka wala na si Dale? baka andiyan lang ang bata. Baka naglikot lang.. Nakipag laro sa kapit bahay. Love, baka andiyan lang si Dale.." di ko na napigilan ang pag-agos ng luha ko. Di ako makapaniwala.

Hindi pwedeng wala na si Dale.

Hindi pwede.

Anak ko si Dale!!

Hinawi ako ni Kaori at tuloyang pumasok ng kwarto namin.

Kinatok ko iyon..

"Love, kausapin mo ko please. Mali ang iniisip mo Love. Magpapaliwanag ako Love.." wala akong narinig na sagot kay Kaori kundi ang paghikbi nya..

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon