Chapter 46

660 55 17
                                    

WARNING: CONTAIN SEXUALITY

Nanatili lang kami ni Achi na tahimik. Sinamahan nya lang ako dun mag-muni muni.
Hindi ko siya iniimik na para bang wala siya sa tabi ko. Hindi rin naman siya nag-sasalita.

Mga bandang hapon ng tawagan ako ni Kaori.

"Love, susunduin mo ko?" tanong nito sa akin

"Yes. Out mo na ba?"

"Kanina pa.." pakiramdam ko ay nakanguso siya

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Sige, papunta na ako diyan." tumayo na ako at di nag-abalang magpaalam kay Achi.

ACHI POV

Pinagmasdan ko lang si Jelay habang papaalis.
Gusto ko siyang hawakan, gusto ko siyang yakapin tulad ng dati pero hindi na maaari.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na hindi siya nagalit sakin o dapat akong masaktan dahil walang emosyon ang mga tingin na binibigay nya sakin.

Hindi tulad ng dati na kumikislap at puno ng paghanga.
Ni minsan hindi ako tumigil mahalin siya..

Kailangan ko lang umalis nun para protektahan siya sa mas matinding sakit na madudulot ko sa kanya kapag nanatili pa ako.

Ibang iba na rin siya ngayon sa batang Jelay na nakilala ko. Maliban sa makikita na sa katawan nya talaga ang pagiging ganap na dalaga ay naging finesse na rin ang galaw niya.

Di hamak na mas gumanda siya ngayon kaysa noon. Hindi na rin siya ang iyakin na Jelay na kilala ko.
Halatang may malalim siyang iniisip kanina pero kinakaya nya dalhin mag-isa.

I really want you again but that would be so selfish.

KAORI POV

Ilang sandali pa na paghihintay ay dumating din si Jelay..

"Love!" masayang bati ko sa kanya at yumakap..

Tinugon nya naman yun pero parang may mali.

"Sorry for keep you waiting, Princess." nakangiting saad nya pero di abot sa kanyang mata

"Who's Princess? Are you cheating on me??" biro ko sa kanya na kunwari ay nakakunot. Gets ko naman na ako tinutukoy nya.

"So cheater din tingin mo sakin?" seryosong tanong nya..

"Hala, joke lang Love! Masyado ka naman seryoso. Jowain kita dyan!" biro ko sa kanya na siniksik ang ulo sa leeg nya..

Ang bango bango talaga.. Sarap kagatin!

"I never cheated on you. Alam mo yan." seryoso pa ring saad nya. Tinitigan ko siya at para na siyang maluluha.

"Love, nagbibiro lang ako. Sorry na. Nagiging sensitive ka."

"I'm not sensitive!! You're just so insensitive!" galit na bulyaw nya sakin at nauna ng maglakad.

Napabuntong hininga na lang ako.
Kanina lang ang sweet nya tapos bigla na naman nagbago mood nya.

Hinabol ko siya pero nagulat ako ng may biglang humarang sa akin..

"Ms. President! For you" nakangiting ani nito na inaabotan ako ng bulaklak..

Nagulat na lang ako ng biglang sumulpot si Jelay sa unahan ko at marahas na ibato ang bulaklak sa sahig.

Walang awa nya itong inapakan tsaka ako hinila palayo.

Ang daming estudyante ang nakakita nun..

Nagbabago na talaga si Jelay. Hindi siya ganyan noon. Ayaw nyang nasisira ang image nya.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon