Chapter 33 (Filler)

805 62 32
                                    

JELAY POV

Time passes by.. Lalong gumaganda si Kaori. Magaganda mga damit na sinusuot nya. Tinutulongan ko siyang mamili ng mga susuotin niya, minsan pinapahiram ko siya ng damit ko since magkasing katawan naman kami.

Iisa na nga ata kami ng amoy..
Lagi nya na rin iniipit ang bangs kaya di na natatabunan ang ganda nya. Pinatanggal nya na rin ang brace niya pero may retainer pa ito.

Lately, sobrang namimiss ko siya. Hindi ako sanay na hindi siya madalas nakakasama.
Paano ba naman kasi ang busy nya sa student council. Magkaka Student Week Fair kasi.

Gigising sa umaga para ipagluto kami ni Dale tapos papasok na agad sa school minsan hindi niya pa ako nahihintay dahil mabagal daw ako maligo.

Kapag lunch break naman hindi na siya nakaka punta sa Cafeteria, kapag uwian naman ay ginagabi siya kaya di ko na siya nahihintay dahil walang kasama si Dale.

Kahit sa text sobrang bagal nya mag-reply. Miss na miss ko na kakulitan niya.

Idagdag mo pa na ang dami ng nagpapansin sa kanya sa school tapos sa akin din! Porket di nila nakikitang kasama ko si Kaori akala nila ay wala ng kami, wala naman talagang kami pero you know? Exclusive dating kami.

Ayuko naman bumuntot sa kanya dahil baka isipin niya patay na patay ako sa kanya pero namimiss ko na talaga sya.

I'm trying to call her now kasi 9pm na hindi pa siya nakakauwi pero hindi niya naman ako sinasagot.

Tulog na din si Dale kaya nagtimpla ako ng kape habang nagbabasa ng libro ko at hinintay siya dumating.

Alas onse pasado ng may humintong sasakyan sa labas ng bahay kaya nilabas ko iyon.

Kumunot ang noo ko ng makita kong kasama nya si Donny.
Akala ko ba? Lalayuan niya na ito?

Aba't bumeso pa sa kanya!

Halos hindi na nga kami nagkikita tapos may oras pa syang makipag kira sa iba!

Nakahalukipkip kong siyang hinintay sa may pinto.

"What was that?!" tanong ko sa kanya pero hinawi nya lang ako at deri-deritsong pumasok sa loob at umakyat sa hagdan.

Ilang sandali akong natulala dahil sa pagkabigla. Sinundan ko naman siya sa kwarto.

"Huy Babae! Bakit nilagpasan mo lang ako?" naiinis na tanong ko sa kanya.

Pabalibag nyang sinara ang pinto ng banyo

Anong ginawa ko?

Hinintay ko siyang makalabas ng banyo.
Wala talaga akong matandaan na ginawa ko.

Miss na miss ko na kaya siya. Wala naman akong nilanding iba, di naman ako malandi nuh.
Siya nga itong hindi nasagot ng tawag ko tapos malalaman kong kasama nya ang Donny na yun!

Paglabas nya ng banyo ay di nya ako tinitignan..

Hinawakan ko siya sa braso.

"Anong problema mo?" winaglit nya ang kamay nya sakin at tinitigan ako ng masama.

"Kailan mo balak sabihin sakin?!" galit na tanong nya. I'm clueless.

"Ang alin?" takang tanong ko

"Alam mo ba kung gaano ko iniyakan yun sa pag-aakala kong nakuha ng iba sakin?! Galit na galit ako kay Donny kasi akala ko siya yun! tapos malalaman kong, ikaw pala yun! Ikaw ang humalik sa akin sa resort!" i got stiffed.

KAORI POV

Busy kaming nag aayos ng booth para sa darating na Student Week Fair ng maalala ko si Jelay.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon