Chapter 26

792 60 15
                                    

Pagdating namin sa bahay ay pagod na pagod ako dahil na din sa pagddrive kaya pataob akong napahiga sa kama.

"Love, bihis ka muna" ani ni Kaori habang hinuhubaran ako... ng sapatos.

"I'm too tired and sleepy na" inaantok na sagot ko sa kanya habang nakapikit na.

Naramdaman ko ang paghimas nya sa likod ko at kahit may telang nakapagitan ay ramdam ko ang init ng balat nya.

"Sige na, magpalit ka na para makatulog ka ng komportable. Gusto mo ba kuhanan kita ng pamalit mo?" tumango tango na lang ako sa kanya dahil wala na talaga akong lakas.

Naramdaman ko ang pagtayo nya. Maya maya'y bumalik siya at naramdaman ko ang paglapag nya ng damit ko sa may ulunan ko.

"Magpapalit ako ng damit sa cr. Dito ka na magpalit." ani nya at muling tumayo.

Napangiti ako ng makita ang pamalit ko na kinuha nya.
Spaghetti strap sando at maluwang na cotton short.

Alam na alam niya na talaga mga gusto ko.
Mabilis na ako nagpalit at nahiga.
Bago tuloyang mawalan ng ulirat ay naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Kaori.

"Goodnight Love.."

KAORI POV

Naawa ako kay Jelay pagdating namin ay halatang halata ang pagod nya. Hindi na naman nya magawang magtanggal kahit sapatos man lang.
Hinubad ko ang suot na salamin at nilapag yun sa bedside table.

Lumapit ako sa kanya at tinanggalan siya ng sapatos at medyas.

"Love, bihis ka muna" naaawang saad ko sa kanya..

"I'm too tired and sleepy na" nakapikit na siya habang nasagot sakin.

Gusto ko sana siya i-masahe ngunit baka maiilang sya kaya hinimas ko na lang likod nya.

"Sige na, magpalit ka na para makatulog ka ng komportable. Gusto mo ba kuhanan kita ng pamalit mo?" pangungulit ko sa kanya na tinanguan niya.

Kinuhanan ko siya ng masusuot niya, yung kadalasan na sinusuot nya kapag matutulog at inilapag iyon sa may headboard.

"Magpapalit ako ng damit sa cr. Dito ka na magpalit." ani ko dahil mukang di nya naman na kayang tumayo.

Pumasok na ako sa cr at nang makalabas ako ay nakabihis na sya at tahimik ng nakapikit.
Marahan naman akong nahiga sa tabi nya.

Pinagmasdan ko ang maamo nyang muka.

Why so pretty love?

"Goodnight Love.." mahinang ani nya. Akala ko'y tulog na siya pero di ko maiwasan mapangiti.

Parang kailan lang ay Ms. President pa ang tawag nya sa akin tapos ngayon Love na. Hihihi RealQuick

"Goodnight, i love you." ani ko bago pumikit.

Hindi ako magsasawang sabihin sa kanya na mahal ko siya.

--
Kinaumagahan ay masigla akong gumising.

Tumambad sa akin ang nakangiting muka ni Jelay habang natutulog.

"Good morning.. I love you" i playfully touch her nose.

Umungol lang siya pero naman nagising kaya napahagikgik na lang ako.

Masaya akong bumangon at nagtungo sa banyo para sa morning rituals ko.
Pagbukas ko ng blower ay nakita ko ang picture frame ni Jelay na tinago ko ng unang punta nya dito.

Inilabas ko iyon at dinisplay sa tabi ng bedside table ko katabi ng picture ko.

Sa susunod paprint ako ng picture ni Dale para meron na rin siya picture dito sa kwarto ko.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon