Chapter 43

687 50 46
                                    

Nagsimula ng magtipa sa gitara si Achi. Nakita ko ang sobrang lungkot sa mata niya bago niya ipikit. Napansin ko rin ang pagpayat nya, dati ay medyo may laman siya.

Hanggang kailan ako maghihintay na para bang wala nang papalit sayo

Nasan ka man, sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon whoah

"Wah! Love, ang ganda ng boses nya!" masayang turan ni Kaori.

I know, isa yan sa nagustohan ko sa kanya pati na ang galing sa pag-gigitara.

He's like my senpai before. He always guide me at everything. Crush ko lang siya noon, di ko akalain na darating ang araw na sasabihin nya ring gusto nya ako at magiging kami.

Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti, isang umagang 'di ka nagbalik

Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali ng kahapong di magbabalik

Isang umagang di ka nagbalik... Nagulat na lang ako na walang Achi na sumundo sa akin papasok sa school. Hindi siya pumapalya noon na ihatid, sundo ako.

Akala ko may sakit lang siya kaya tinext ko siya at tinawagan pero hindi macontact ang number nya.
Pinuntahan ko siya sa kanila pero wala akong naabutan dun.

I was so young that time. I don't know where to find him.
He promised me the World. I'm holding on to his Promise until i met Kaori.

Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan

Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman

Kahit matapos ang magpakailan pa man

Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig

We didn't broke up. I know. He just left.

Tinitigan ko si Kaori na engross na engross sa panunuod sa bandang nasa harap namin.

Mahal ko ang babaeng nasa harap ko at di ko matatanggi na mahal ko rin ang lalaking nasa harap namin.

Gusto kong malaman bakit siya umalis ng walang paalam. Bakit bigla niya akong iniwan sa kalagitnaan ng kasiyahan.

Hanggang kailan ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo

Nasan ka man sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo whoah

Habang binibitawan ni Achi ang mga lyrics ng kanta ay nakatingin siya sa akin.

Naramdaman ko ang pagkuha ni Kaori sa kamay ko at pinayakap sa kanya..

"Parang ang lungkot lungkot ng kumakanta, Love. Nararamdaman ko lungkot niya" mahinang bulong ni Kaori sakin.

"Feeling ko yung mahal niya, may mahal ng iba." ako pa ba yun?

Ako pa ba ang mahal ni Achi?

Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti, isang umagang 'di ka nagbalik

Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali ng kahapong di magbabalik

"Love, bakit di ka nagsasalita? Naapektuhan ka rin ba sa kanta ni Kuya?"

"Yes. Somehow, nakakarelate ako sa kanta" sagot ko kay Kaori pero tinitigan niya ako..

"Are you still waiting for him?" tanong niya sa akin..

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon