Chapter 21

820 53 16
                                    

"Mommies, Let's swim na!" eksena naman samin ni Dale.

Baby naman e. Minsan lang ito, inistorbo mo pa kami..

Bumitaw na si Jelay sa akin kaya naman pumasok na ako sa banyo.

"Love, dito ako magbibihis ha? Wag kang lalabas basta basta." ani ni Jelay

Kunwari pa na sinasabihan ako pero pinapaalam talaga sakin para mabusohan ko sya.

Mga diskarte mo talaga Jelay! Hihihi
Dahil mabait naman ako ay di ko siya binusohan kahit gusto nya.

"Love, lalabas na ako.. Tapos ka na ba?" paalam ko sa kanya..

"Wait a bit.. Yeah.. I'm done." sagot niya kaya binuksan ko ang banyo

Naka, cotton short sya and see-through hanging blouse.. Litaw na ang panloob nyang black bra.

Black two piece kasi alam kong pang swimming nya..

Sexy ng mahal ko..

"Ngiting manyak ka naman dyan." ani nya tsaka hinawakan sa kamay si Dale.

"Huy! Hindi nuh. Wag mo nga pinaparinig kay Dale mga ganyang salita. Kung ano ano matututunan sayo ng bata e." suway ko sa kanya.

Minsan ito si Jelay, di iniisip ang sinasabi e.

"Don't worry. Di naiintindihan ni Dale mga malalalim na tagalog. Hehe" nakangiting sagot nito at inakay palabas si Dale.

Sumunod naman ako sa kanila.. Nakasalubong namin si Karina na kalalabas lang rin ng Room nya.

Ang ganda nya talaga ngayon.. Naka sleeveless pa rin sya at cotton short na maiksi..

"Ninang Ganda!" tawag sa kanya ni Dale tsaka kumapit.

Binitawan naman ito ni Jelay..

"Hiramin ko muna anak nyo ha?" masayang paalam ni Karina at nauna ng maglakad samin.

"Love.. May tatanong ako." mahinang ani ni Jelay.

"Ano yun?" sagot ko

"Kapag ba tinanggal mo salamin mo ngayon mahihirapan ka makakita? I mean, maliligo tayo. Wala ka naman babasahin.." natahimik naman ako sa sinabi nya.

Napapangitan ba siya sakin? Gusto nya ba maging tulad ako ni Karina ngayon?

Mabilis naman siyang lumapit sa akin at kinulong ang muka ko sa palad nya.

"Love uy.. Wag kang mag-isip ng kung ano. Ang sa akin lang, ikaw din mahihirapan kasi mababasa yan tapos baka mamis-place mo pa or masira." nginitian ko naman sya pero alam kong pilit yun..

Kinakain na naman ako ng insecurities ko.

"Love, kalimutan mo na lang sinabi ko.. It's okay..." ani ni Jelay

Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi nya sa noo ko.

"Don't overthink.. You're pretty in my eyes no matter what." nakangiting ani nito na nakatitig lang sa akin..

Why she always know the perfect words and touch to relieve my doubts?

"I love you Jelay." walang pag-aalinlangan na ani ko..

Nakita ko ang pagkabigla sa mata ni Jelay..

"Hey Lovebirds! Dito talaga sa hallway? Haha" natatawang pang asar ni Missy.

Kasama niya si Gian at Donny.
Nahihiya naman akong tumungo..
Tinanggal din ni Jelay ang kamay niyang nasa muka ko.

Pakiramdam ko ay pumunta na lahat ng dugo ko sa muka..

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon