Chapter 6

1K 70 7
                                    

"Hoy Bruha!" natauhan naman ako sa hampas ni Missy..

Ang dami ding nakatingin sa akin..

"Ano yun?! Don't tell me nagpa-uto ka kay Jelay?" di ko sya pinansin at nagsimula ng maglakad.

"Sumagot ka kaya! Pinagtitinginan ka na ng mga tao oh.. Bakit ka hinatid ni Jelay?" bakit nga ba? Hindi ko rin alam e.

Kasi nagpapanggap kaming couple sa harap ni Dale?? Hindi ko naman pwede sabihin kay Missy ang tungkol kay Dale.

"Missy, wala lang yun.." ang mata nyang singkit ay lalo naman naningkit.

"Umamin ka nga.. Ikaw ba girlfriend for the week ni Jelay? Kasi hinanap ka rin nya sakin kahapon tapos kinukuha nya number mo." ah. Sya pala tinutukoy ni Jelay na walang mata. Hahahahaha

"At anong nakakatawa sa sinabi ko?" taas kilay na tanong sakin ni Missy.

"Wala wala.." naiiling na sagot ko habang nagpipigil ng tawa.

"Puro naman wala. Wala kang sinasagot sa tanong ko." maktol nito pero di ko na pinansin..

Naupo ako sa upuan ko pero di pa rin ako tinatantanan ni Missy.

"So? Ikaw nga girlfriend ni Jelay ngayon? Bakit ka pumayag? Baka masaktan ka lang. Alam mo naman na good for one week lang sya e.." malungkot na saad ni Missy.

Mahirap ipaliwanag kay Missy si Dale.

"Okay lang ako Missy. Wag mo ko intindihin." hinawakan ko pa ang kamay nya tsaka piniga piga..

"Kapag sinaktan ka nun, papakulam ko talaga sya!" napangiti naman ako sa pagiging protective sakin ni Missy.

"Pero infairness kay Jelay, hinatid ka nya. Hindi siya nanghahatid ng jowa kahit nga magpahatid sya hindi e. Ayieehh.." tudyo sakin ni Missy.

I know. Si Karina pa lang ang nakita kong sinakay nya sa kotse nya. E bestfriend nya naman yun.

"Oh! Oh! Ngiti ngiti ka dyan! Wag ka pa ring aasa. Itatak mo sa isip mo na may hangganan yan. Kilala natin si Jelay!"

May hangganan? Oo. Kapag nakabalik na siguro si Dale sa mundo niya na hindi ko alam kung kelan. Posibleng, sunod na taon, sunod na buwan, sunod na linggo o kaya bukas o mamaya.

Hiram lang at limitado ang mga oras ko kasama si Jelay..

Hindi na ako umimik kay Missy at nagbasa basa na lang habang wala pa ang professor namin..

After ng first class ko ay tinext ko agad si Jelay.

To: Mommy ni Dale

Jelay, kumain na kayo ni Dale ha?

Sent.

Calling Mommy ni Dale...

O-M-G!! Natawag si Jelay...
I cleared my throat first before answering the call. Lumayo din ako konti kay Missy na busy naman makipagkwentuhan sa boyfriend nyang si Gian.

"H-hello?" kinakabahang sagot ko.
First phone call namin. Hehehe

"Mommy!!" boses ni Dale ang sumalubong sakin kaya ang kaba na nararamdaman ko ay napalitan naman ng saya..

"Baby, kumain ka na ba?" nakangiting tanong ko dito

"We're eating na po. How about you Mommy?"

"I'm about to eat na baby."

"Okay Mommy, eatwell. I love you so much!!" di ko maiwasan matuwa talaga sa lambing ni Dale.

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon