Chapter 27

799 63 15
                                    

"Kare!" salubong ko dito pagpasok sa room.

"Bakit?" busy sa pagbabasa na sagot nya.

"May problema ako.." paninimula ko kaya binaba nya ang librong binabasa nya.

Nakasuot na naman siya ng salamin, just like Kaori.

"Ano?" kunot noong tanong nito

"Kaninang umaga tumawag si Daddy. Then he told me, he wants to meet Kaori. And he want it to be tonight" napangiti naman si Kare pero napalitan agad ng pagtataka ang muka

"Anong problema dun?" tanong pa nito.

"Paano kung di niya magustohan si Kaori? Anong gagawin ko? Alam nya na sa iisang bahay lang kami nakatira ngayon at may anak si Kaori which is totoo naman pero hindi nya alam na anak ko rin yun dahil alam mo naman ang sitwasyon diba?" urrgh! Kahit ikwento lang ang gulo.

"I think you're Dad gonna like Kaori naman. She's pretty, decent, smart and kind ayun nga lang paano nyo ipapaliwanag si Dale?" Yah. Hindi naman ako mahihirapan ipakilala si Kaori ang kaso lang si Dale nga! Iisipin ni Daddy talaga na nasisiraan ako ng bait para pumatol sa may anak.

Hindi ko na talaga alam gagawin ko!

"That's why i'm asking you Kare. Kasi i don't know what to do anymore." pagtatapat ko dito pero parang lumilipad din isip nya.

"Tsaka medyo matagal na rin si Dale dito sa mundo natin. Ang mga nababasa ko na nakaka-experience ng Inter-dimentional Travelling ay saglit lang talaga. Si Dale, naka-isang linggo na" napahinto ako sa sinabi ni Kare

"I don't want Dale to go. Gusto ko dito lang siya." sagot ko kay Karina na tinitigan ako

"Jelay, Dale is not ours. He don't belong here." inismiran ko lang si Kare.

Hindi ko na siya sinagot. Ayukong pagtalunan namin iyon basta para sakin dito na lang si Dale.
--

Bored na bored ako sa lesson kaya naman tinext ko si Kaori.

"Love, ano gawa mo?" ilang saglit lang ay nagreply siya

"Nasa room nakikinig sa lesson pero iniisip ka hehehe" napangiti naman ako sa sagot nya

"Talaga lang ha? Ano iniisip mo tungkol sa akin?" reply ko

"Iniisip ko bakit hindi ka nakibo kanina." ay. Akala ko pick up line yung kanina.

"May iniisip lang ako, Love." reply ko

"Kasama ba ako sa iniisip mo?" nagpipigil ako ng ngiti sa reply niya. Pick up line na siguro ito diba?

"Hmm.. Iniisip ko yung mommy ng anak ko. Ikaw ba yun?" nangingiting reply ko sa kanya..

"Kung may iba ka pang anak maliban kay Dale baka hindi ako yan. 😠" natawa naman ako sa reply niya..

Ang harot.. Pakiramdam ko bumalik ako sa highschool.

"Gusto mo ba pakilala ko siya sayo?" reply ko

"Maganda siguro yan! 😢" lalo akong natawa, iniisip nya bang may iba?

"Sobrang ganda. She's the most beautiful girl i ever seen. Ofcourse, next to me" nakangiti kong send.

Siniko naman ako ni Karina kaya tinignan ko siya at nakita kong nakanguso siya kaya tinignan ko yung nginungusuan nya..

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon