Chapter 29

797 55 9
                                    

Hinawakan ko ang kamay ni Kaori na nasa muka ko..

"Matulog na tayo, Love" aya ko sa kanya.. Hindi ko na kasi kaya ang sayang nararamdaman ko.

Ngumiti naman siya, hinila ko siya patayo. Nauna akong mahiga sa kama at agad naman siya tumabi sakin..

Siniksik ko ang ulo ko sa may leeg nya at ang katawan ko sa katawan nya. Ang bango bango nya talaga.

Naramdaman ko paninigas ng katawan niya kaya kinuha ko ang kamay nya at pinayakap sakin..

"Good night Ms. President." ani ko na may ngiti sa aking labi.

Naramdaman ko ang pag-relax ng katawan nya at yumakap ng mahigpit sa akin.

"Good night Ms. Narcissist" inangat ko ang tingin ko sa kanya pero nakapikit na siya habang nakangiti. Papagalitan ko pa sana pero makita siyang nakangiti na pangiti na lang rin ako at mas sumiksik sa kanya.

I never been this clingy.. Ayuko nga ng hinahawakan noon pero pagdating kay Kaori gustong gusto ko madikit. Gustong gusto ko kapag nagtatama ang balat namin.

I can feel electricity but it generates dopamine.

"Thank you for coming into my life."

KAORI POV

Hindi pa ako dumidilat nakangiti na ako. Ramdam ko ang malalim na paghinga ni Jelay sa may leeg ko. Nakatulog nga pala kaming magkayakap.

Dumilat na ako at tinitigan siyang mahimbing na natutulog.

"Good morning Love.." kinurot ko ng mahina ang ilong nya. Di naman siya nagising kaya napahagikgik ako.

"I'm so lucky to be this close to you.. Sobrang saya ko, Love. Mahal na mahal kita" marahan ko siyang hinalikan sa pisngi at nangiti.

Dahan dahan akong kumilos pero naramdam ko ang pagkapit nya sa bewang ko..

"Dito ka lang Love.." inaantok na boses nito.

"Magluluto ako breakfast natin, Love" unti unti naman niya niluwagan pagkapit sakin..

"Ligo ka na" ani ko tsaka siya hinalikan sa pisngi. Hehehe

Hindi naman siya sumagot kaya tumayo na ako..
Ginawa ang morning rituals ko.

Paglabas ko ng kwarto ay nagtaka ako ng may mga taong pumapasok at may mga karga kargang karton..

Anong nangyayari?

Bumaba ako sa hagdan at may magandang babae na medyo may edad na andun..

"Good morning iha! Ikaw ba si Kaori?" nakangiting approach nya sa akin.

"Opo.." nagtatakang sagot ko sa ginang

"Mommy ako ni Jelay. Nagdala ako ng mga pagkain at mga laruan ng apo ko. Ang daya naman kasi! Nakipag kita kayo kay Jonathan kagabi pero di ako kasama. Hindi ko na mahihintay ang linggo para makita ang apo ko." maktol nito na parang si Jelay kung umasta.

My jaw literally dropped.
O-M-G!!

"G-gisingin ko lang po si Jelay" magalang na paalam ko sa kanya..

"Sige iha.." nag-bigay siya ng instructions sa mga tauhan niya na nag papasok ng pagkain..

Dali dali ko naman inakyat si Jelay..

"Love.." yugyog ko sa kanya na kinakunot ng noo nya

"Love, stop. Nakakahilo" suway nya sakin.

Sa kaba ko ay napalakas pala yugyog ko sa kanya..

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon