Chapter 39

733 49 18
                                    

The biggest communication problem is we do not listen to understand. We listen to reply.

---

JELAY POV

Mag-gagabi na ng muli akong magising..

"Good evening Love.." nakangiting bati sa akin ni Kaori.

Tumayo lang ako at dumiretso sa banyo para mag-shower.
After mag shower ay nag check ako ng phone. Ang daming text ni Mommy, Karina at Kaori.

Wait? Did i texted Karina last night? I can't remember anything.

Nag reply na lang ako kay Mommy saying na naka-uwi naman ako ng buhay. Nagsabi din siya na mag-usap kami ng maayos ni Kaori.

Nag sumbong pala siya kay Mommy. Ano kaya kinuwento nya?
Na nakipaghalikan ako kay Kurt? Kahit hindi naman talaga totoo. Kadiri talaga.

May text din si Kyzha, nagtatanong kung nagkausap na kami ni Kaori.
I just ignored her text.

Ang text ni Karina ay puro pagtatanong kung nasaan ako. Her last text ay kaninang morning. Tulad ng sinabi ni Mommy, mag-usap daw kami ni Kaori.

Ano pa bang pag-uusapan? Pa-ikot ikot lang. Sa dulo, mapapagod din siya sa akin at iiwan niya ako.

Ang mga text ni Kaori ay puro Sorry at pagtatanong kong nasaan ako.

"Love, kain na tayo Dinner. Nasa baba na si Dale." aya sa akin ni Kaori.

Tumango naman ako.
Some part of me wants to enjoy her care and some part of me don't want to fall for her trap again.

Muli nya akong inasikaso sa pagkain. Namiss ko ito, tulad ng una.

"Mommy, why are you so quiet?" tanong sa akin ng anak ko..

"I'm just hungry and want to eat. Hehe" sagot ko dito..

Nakita ko naman na nilagyan ni Kaori ng kanin pa ang plato ko..

"You want juice, Love?" tanong niya. Sasanayin nya na naman ako tapos isusumbat nya sa akin.

"Wag na. Baka mapagod ka." pasaring ko sa kanya.

"It's okay. You're my strength." sagot niya..

Parang tanga na naman ang puso na kumabog at nagwala ang mga paru-paru sa tiyan ko.

MyGhad! I so love her.

Inabotan nya naman ako ng juice.. Tinignan ko ito bago ininom.

"Baka may gayuma ito ha?" naisip ko lang baka ginagayuma nya talaga ako kaya para akong sira na walang ibang maisip kundi siya

"Do i need that?" tanong nya na hindi natingin sakin akin at patuloy sa pagsubo

Pssh. Kapal. Napaka-presko. Alam niya talagang inlove na inlove na ako sa kanya kaya di na tulad dati ang effort nya. Kaya nagsawa na siya kasi siguro wala na akong thrill

"Kung ano ano na naman tumatakbo sa isip mo na hindi ko gusto." saad nya..

Mind reader na rin siya?

"Hindi ko nababasa nasa isip mo masyado lang halatang puro negativity natakbo dyan, Love." inirapan ko naman siya..

It's not negativity, it's reality.

Ngumiti naman siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.

Puso, kumalma ka. Pinoprotektahan lang kita.

"Hello People!!" napaharap naman kami sa malakas na boses na nambulabog.

"Ninang Ganda!" takbo ni Dale kay Karina na kakarating lang..

The Other Side (JelRi Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon