CHAPTER 5

1.2K 35 5
                                    

Jennie Kim POV

Hinihingal ako na tumigil sa isang tagong bench malapit sa parking area ng university.

Panay rin ang ginagawa kong paglinga linga sa paligid dahil baka nasa paligid lang si manyak/kapre/devil at bigla nalang akong umbagan ng suntok dahil sa ginawa ko kanina.

Kanina ko pa tinatawagan ang driver ko pero di man lang magawang sagutin ang tawag ko umabot na ata sa sampung misscall. On the way na kaya iyon o nilamon na ng hi-way?

Pinunasan ko ang pawis ko na tumutulo na sa gilid ng patilya ko. Pansin ko lang sobrang init ng panahon ngayon parang summer pa rin.

Nauuhaw narin ako, ikaw ba naman tumakbo ng mabilis na parang may demonyong humahabol sayo.

Well, demonyo naman talaga kasi...

Pero di naman talaga niya ako hinahabol ayoko lang magkrus muli ang landas namin kasi nga ayoko siyang makita lalo na't nanggagalaiti ito sa galit sakin.

Uhaw na talaga ako huhu...ayoko namang pumunta sa canteen dahil ang layo mula rito sa kinaroonan ko.

Titiisin ko nalang muna hanggang dumating ang driver ko.

How you like that 🎶....

Message tone ko yan kanta ng Blackpink. :)

Sino kaya itong nagtext.? Agad kong binasa baka kasi importante.

"Princess medyo late ko po kayong masusundo flat po kasi tong gulong ng kotse at dinala ko pa sa talyer. Mga isang oras pa po ako dito pasensya na po."

Hay naku naman Kris bakit kailangang ngayon pa naflat yang kotse, ngayon pang may tinatakasan akong halimaw!

Hello? Isang oras mo akong paghihintayin?

Agad kong reply nanggigil ako sa inis dahil anumang oras magsisilabasan na ang mga estudyante at di malabong ganoon din si halimaw/manyak/kapre/devil oh ang haba na ng tawag ko sa kanya.

Agad namang nagreply ang bwiset kong driver.

"Sensya na po Princess pakihintay nalang po ako saglit."

Hindi ko na sya nireplayan dahil sa banas na ako dito.

Kung magcommute nalang kaya ako?

Pero di ko alam magcommute eh. Wala pa naman akong sense of direction.

No choice, mag-aantay ako dito ng isang oras siguro naman hindi ako mapapansin ni halimaw dito.

Tama yun nalang muna itatawag ko sa kanya bagay sa kanya BEAST sana kaya lang masyadong sosyal. hihi

Nagbibilang ako ng dahon ng narra at mahogany ng biglang may humawak sa balikat ko. Joke lang yun…^__^

Paglingon ko si LuHan lang pala tulala na naman ako sa nakakalusaw garter panty niyang ngiti.

Pasimple kong kinapa ang panty ko baka nahulog na sa paanan ko ng masigurong mahigpit pa ang kapit ng panty ko ay saka ko siya binigyan ng makalaglag brief ding gummy smile. :D

Pansin ko lang pagbusy ako sa narra at mahogany ay bigla nalang itong sumusulpot. Hindi kaya eh engkanto itong kaharap ko?

"Hindi ako engkanto."

Woahhhh! Nagulat ako nababasa niya ba sinasabi ko?

"Hindi ko nababasa nasa isip mo. Sinasabi mo kaya ito ng malakas." amuse nitong sabi sakin.

Naramdaman kong sobrang init ng pisngi ko di ko namalayang naisatinig ko pala nasa isipan ko ng di ko namamalayan.

Nakakatulala naman kasi kagwapuhan nito eh.

"Ahmmmn...s-sensya na LuHan." wala sa sariling wika ko at binawi ang tingin sa kanya.

"How do you know my name?" nanlalaki ang matang tanong nito sa akin.

Wow!

Coincidence nga naman at LuHan nga talaga pangalan niya, eh magkahawig talaga sila, kung wala lang sana ang nunal sa taas ng kilay nito na malaki, although nagpadagdag pa ng appeal sa features ng face nito ay mapagkakamalan talagang si LuHan ng Exo ang kaharap ko.

"Do you know Exo?"

"Yeah. I love that candy." May dinukot ito sa bulsa at tadaaa X.O candy pala!

Natampal ko ang noo ko at napailing.
Exo at X.O magkatunog nga naman.
Napahagikgik ako. hihihi

"I mean Exo from Korea."

Natawa rin ito. "Yah. I heard about them. My girl classmates told me I look like him and we have the same first name coz my name is LuHan Lee Mano....."

"I see." di ko n pinatapos ang sasabihin nya.

"So what are you doing here? You're not going home yet?" usisa nito ng mapansing natahimik ako.

"Obviously, I'm waiting for my driver." medyo mataray yata pagkakasabi ko dahil pansin kong medyo nalaglag ang panga nito.

"Sorry...wanna come with me? I'll
take you home."

Napataas ako ng kilay sa tinuran ng kaharap ko. Take home? Ano ako pagkain?

"I mean ihahatid kita."

Gustuhin ko man sana kaya lang nahihiya ako eh we're not friends at tanging pangalan lang niya alam ko.

Mahirap pa namang magtiwala sa ngayon, maraming kalaban si daddy at mommy sa business world.

Malay ko ba baka kidnaper siya di ba?

"I'm not a kidnaper." natatawang sabi nito.

Natampal ko na naman ang noo ko bakit di ko namalayang nasabi ko pala yon.

Apologetic akong tumingin sa kanya at nagpeace sign.

"Tell me, mukha ba akong kidnaper?"

"Ahmmn...medyo." biro ko nalang para mapagtakpan ang kahihiyan ko.

Napahalakhak ito ng malakas dahilan para lumabas ang maliit na dimple sa gilid ng labi niya at pagsingkit pa lalo ng singkit na mata nito.

Napansin kong nakatingin na sa gawi namin ni LuHan ang mga estudyanteng napapadaan at parang kinikilig pa ang mga ito.

Namataan ko rin si halimaw na napatingin din sa gawi namin na may kasamang dalawang lalaki at dalawang babae na nakaabrisiete sa magkabila nitong braso.

Nagkatitigan kami at agad kong nakita ang pagdidilim ng mukha nito.

Tinanggal nito ang kamay ng dalawang babaeng nagtatakang nakatingin lang kay halimaw.

Bigla nalang itong tumakbo sa gawi ko.

Naalarma naman ako, bago pa siya makarating sa kinaroroonan ko ay bigla ko nalang hinila si LuHan at tumakbo.

Litong nakatingin naman sa akin si LuHan at nakikitakbo na rin palabas ng gate.

Nang makarating kami sa gate ay agad kong pinara ang taksing unang pumarada, binuksan ko ang pinto saka tinulak si LuHan sa loob.

Hinila naman niya ako papasok tsaka niya sinabihan ang driver na patakbuhin ang taxi palayo doon.

That's it!

Natakasan ko siya! :p

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon