CHAPTER 25.1

1.2K 30 9
                                    

Limario Lee Manoban POV

"Mahal kita Jennie Ruby Jane Kim... Maniwala ka sana." malungkot na sabi ko.

I kissed her in the forehead and then walk out without waiting for her answer.
I didn't wait for her reaction. I know she wouldn't believe me at all.

Sabi nga niya hindi siya maniniwala na mahal ko siya dahil sa mga nangyari at nagawa ko.

Sino nga naman ang maniniwala sa akin hindi ba?

Pagtatawanan ako ng mga nakakakilala sa akin kapag nalaman nilang nagkakaganito ako dahil sa isang babae.

Na ang isang Limario Manoban ay na-inlove at nagpapakabaliw dahil sa babae.

Iisipin nila marahil na tinubuan ako ng pusong mamon kaya ako nagkakaganito.

Ang isang pusong batong halimaw maiinlove?

Tsk!

Nakakahiya mang amininin pero iyon ang totoo.

Parang naiimagine ko na tuloy na pinagtatawanan ako nina Sehun at Suho kapag nalaman nilang nainlove ako sa babaeng magiging bagong laruan ko sana.

Tsk!

Pagkatapos kong masabi sa kanya lahat ng gusto kong sabihin, laglag ang balikat ko na lumabas ng banyo.

Alam ko mahirap maniwala sa mga ikinonfess ko sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya sa naging out burst ko.

Kahit hindi siya maniwala, ayos lang naman sa akin atleast alam niya kung bakit ako nagkakaganito sa kanya.

Kung bakit ako nagpursiging makuha siya at madamay pa ang lahat para mapasaakin lang siya.

Dahil mahal ko siya..

Mahal na mahal ko siya...

Lahat gagawin ko para mahalin din niya ako. Kung kailangang ligawan ko siya at suyuin araw-araw ay gagawin ko, kung iyon lang ang tanging paraan para mahalin din niya ako.

Pero ang tanong...

Puwede niyo bang sabihin sa akin kung paano manligaw?

Alam niyo namang hindi ko alam kung paano gawin iyon dahil babae ang lumalapit sa akin, konting panglalandi ko lang naman ay bumibigay na agad sila sa akin.

Hindi sila katulad ni tisay na mahirap makuha.

She's different from the girls I used to date dahil hindi siya madaling makuha.

Kailangan ko pang pwersahin at gawin ang lahat ng ito para makuha lang siya.
Kung iyon lang ang tanging paraan bakit hindi di ba?

All I want is to have her.

Love her...

And love me back in return...

BANG!
BANG!
BANG!

Nagbibihis na ako ng makarinig ako ng tatlong malalakas na putok ng baril kasabay ng mga komosyon sa paligid.

Hindi ako nagdalawang isip na tinakbo ko kaagad ang kabinet na pinagtataguan ko ng mga baril.

Kinuha ko ang isang kwarenta'y singkong baril mula dito na laging nakahanda para in case of emergency katulad nito ay may magamit ako.

Nagmamadali na akong lumabas ng silid at nagtatakbo pababa para hanapin ang kaguluhan na nangyayari sa ibaba.

Nang makarating ako sa pinanggagalingan ng komosyon ay agad na bumulaga sa harapan ko ang tatlo kong bodyguards na parehong bulagta sa sahig at may tama sa mga tuhod.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon