Jennie Kim POV
Tahimik ako habang ginagamot ang mga pasa at sugat ni halimaw.
Ayokong makipag-usap sa kanya kaya mas pinili kong tumahimik nalang.
Iniiwasan ko ring magtama ang paningin namin dahil iba ang nararamdaman ko pag nagtatama ang mga tingin namin.
Ewan ko ba, sa tuwing magtatama ang paningin namin bumibilis ang tibok ng puso ko.
Wala naman akong sakit sa puso pero parang nagiging abnormal ang pagtibok nito.
Nanginginig ang mga kamay ko pero pinipigilan ko.
Ayokong mahalata niya na natatakot at kinakabahan ako sa presensiya nya.
Kinakabahan kasi ako dahil dalawa lang kami dito sa office ni Kai.
Alam niyo naman kung bakit natatakot akong maiwan dahil sa mga kapangahasan niya sa akin noon.
I know he's staring at me. I can feel the intensity of his eyes at natatakot akong makita niya kung gaano ako nagpipigil na hindi ako manginig sa presensiya niya.
He has the power to intimidate everything and I know I'm one of them.
Hindi naman ako dating ganito. Matapang akong tao pero bakit pag andyan na siya nawawala yung tapang ko. Nawawala bigla confidence ko. Ang dali kong mataranta at matuliro.
Ano bang nangyayari sa akin?
Napabuntong-hininga ako.
Kailangang sa pisngi na ang susunod kong gamutin dahil mas marami siyang pasa doon.
Nagdadalawang isip naman ako kung gagamutin ko pa ba ang sugat niya doon.
Pag ginawa ko yun siguradong hindi ko maiiwasang tumingin sa mga mata niya.
Psh! Bahala na!
Kinuha ko ang alcohol at bulak na nasa center table at humarap muli sa kanya.
Nakita kong nakatingin siya sa may cleavage kong medyo nakahantad sa pula kong blouse na mababa ang neckline.
Napamura ako sa isip. Bakit kailangang ito pa ang naisipan kong isuot para sa araw na ito!
Nagpyepyesta tuloy ang halimaw na ito sa magandang view.
"Ehemn!" tikhim ko para maagaw ang atensyon.
Kahit kailan talaga napakamanyak!
Tumingin naman ito sa akin at ngumisi.
Nahuli na nga na namboboso, siya pa may ganang ngumisi.
Tinaasan ko siya ng kilay at sinadya kong diinan ang bulak sa pisngi nitong dumudugo.
"AHHHH! FUCK! DAHAN-DAHAN NAMAN! ANG HAPDI! FUCK!" itinulak niya ang kamay kong may hawak ng bulak.
Napangiti nalang ako ng palihim sa ginawa ko. Kung makasigaw parang batang tinurukan ng injection.
Muli kong inilapit ang kamay ko pero tinabig lang niya ito ulit.
Inirapan ko lang siya at tumayo ako para lumipat sa single sofa. Bahala siyang gumamot ng sarili niya.
Asan na kaya yung dalawang ugok na kasama niya? Hindi na nagawang makabalik, kumuha lang naman sila ng bulak at alcohol dahil ubos na yung nakastock dito sa office ni Kai pero ang tagal makabalik. Masyado bang malayo ang clinic dito?
Isa pa tong si Kai di pa bumabalik!
Kailangan ko tuloy magtiis kasama tong Li- halimaw na to.
Nakakainis!!!
BINABASA MO ANG
𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED)
RomanceThis story is a fanmade about blackpink Jenlisa. He is a beast a mighty beast all people are afraid of him. He never believe a word of love. But one day she meet a beautiful girl who melt his heart into a good beast.