Jennie Kim POV
"So, saan kayo nagkakilala?" sabi ni mommy kay LuHan. Nandito kami sa may terrace at nagkukwentuhan.
Kakatapos lang namin mananghalian at nagpasyang dito na kumain ng dessert while having conversations.
Gustong-gusto ni mommy na kausap si LuHan, silang dalawa lang ang laging nag-uusap at parang lumalabas na saling-pusa lang kami ni dad.
Pangarap kasi ni mommy na magkaroon ng anak na lalaki, sa kasamaang-palad hindi na pwede dahil pagkatapos akong ipinanganak ni mommy, hindi na siya maaaring manganak pa ulit.
May sakit kasi siya sa puso at may posibilidad na hindi niya kayanin ang muling pagbubuntis at baka ikamatay pa niya ito.
Kaya only child lang ako, tsaka nasabi ko na rin dati di ba nasa lahi namin ang tig-isang anak lang sa bawat pamilya.
"Sa school po tita... na love at first sight po ako sa kanya." wika ni LuHan. Nagblush naman ako sa sinabi niya.
Sumulyap siya sa akin saka ako nginitian.
Lumabas ang maliit na dimple niya malapit sa kanyang labi. Nasilaw naman ako sa pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin.Shit!!!
Ang gwapo talaga ng boyfriend ko.
Nakakatulala! ^_____^
Pati si mommy pansin ko parang natulala din. Hahaha!
"Oh... I see... Hindi naman kasi nagkukwento itong prinsesa namin na may bago na pala siyang boyfriend." baling ni mommy sa akin. Nakataas pa ang isang kilay niya.
Kemeng ngumiti lang ako sa kanya. Oo, hindi ko pa nababanggit na may bago na akong boyfriend dahil busy naman kasi sila.
Ayoko namang abalahin sila sa trabaho para sabihin lang na may bagong boyfriend na ako.
Kahit madalas kaming mag-usap sa VC hindi ko parin nabanggit ang tungkol kay LuHan dahil kadalasan mukha silang problematic. Alam ko naman kasing marami silang inaasikaso at iniiisip.
"Mom... alam ko naman pong busy kayo at maraming alalahanin kaya hindi ko maisingit na ikwento si LuHan sa inyo. Mas maganda namang makilala nyo po siya ng personal, hindi po ba?"
"Well... I understand Princess... Dapat sinabi mo pa rin para agad ko namang nakilatis ang mamanugangin namin, di ba dad?" pilyang sabi ni mommy at kumindat pa ito kay dad.
No comment lang si dad. Blanko ang ekspresyon nito ng saglit na tumingin kay mommy tapos balik ulit ang tingin sa screen ng laptop.
Hindi kaya niya gusto si LuHan para sa akin? Parang malamig ang pakikitungo niya sa boyfriend ko?
Kanina ko pa napapansin si dad na hindi man lang kinakausap ang boyfriend ko. Puro tango at ngiti lang siya na kulang naman sa sigla.
Hindi naman ito naging ganoon makitungo si daddy sa mga past boyfriend ko. Kahit hindi niya gusto ang mga ito hindi naman ganoon ang pakikitungo niya.
Sa totoo lang kinakausap pa nga niya ng maayos yung dalawang naging ex ko pero bakit pagdating kay LuHan.
Hindi siya nakikipag-usap o nagcomment man lang.
Inignora ko nalang ang attitude ni dad towards my boyfriend. Baka may problema sa kumpanya kaya wala siya sa mood. Iyon nalang muna ang iisipin kong rason kung bakit siya ganoon kalamig makitungo.
"MOM!!!"Nakakahiya kay LuHan." saway ko sa kanya, pulang-pula na ang magkabila kong pisngi dahil sa hiya.
Humalakhak naman si mommy dahilan para abot tenga ang ngiti ni LuHan.
BINABASA MO ANG
𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED)
RomanceThis story is a fanmade about blackpink Jenlisa. He is a beast a mighty beast all people are afraid of him. He never believe a word of love. But one day she meet a beautiful girl who melt his heart into a good beast.