CHAPTER 32.1

849 20 0
                                    

Limario Lee Manoban POV

I've never felt this kind of happiness before. Pakiramdam ko buong-buo na ang pagkatao ko. Buo ang pamilya ko at kasama ko ang babaeng mahal ko. Nandyan ang Daddy at Mommy ko na sinusuportahan ako sa lahat ng ginagawa ko.

Katulong ko na kasi silang dalawa sa mga negosyong pinamana sa akin ni Daddy. Kaya naman nakakapagrelax na ako. Masayang-masaya ako dahil malaya na ako sa nakaraan. Si L naman ayun hindi pa rin nakakamove on kay Jennie. Parang nag-aabang lang ng pagkakataon makaagaw. Just kidding. Balita ko may nililigawan na siya sa school and I'm happy for him atleast hindi na siya balakid sa landas ko.

Si Sky nalang ang babantayan ko. Lol (Bakit ako nasali dyan?--->Sky) Yung kambal hindi ko na sila imemention, extra lang naman kasi sila.

Sayang man ang mga panahong nagdaan na nasa kadiliman ako atleast now nasa liwanag na ako. Kung nakinig lang sana ako sa kanila di sana noon pa ako naging maligaya. Hindi sana ako naging malupit sa kapwa ko tao. Wala sana akong nasirang buhay, napatay at pinagdusa. Hindi sana ako naging woman-hater at hindi sana maraming puri ang nakuha ko.

Pero wala na akong magagawa dahil nangyari na ang mga iyon at tapos na. Parte lang iyon ng nakaraan at pagsubok sa akin dahil may mabuti rin namang naidulot ang pagiging rebelde ko noon. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Natuto akong lumaban na halos katakutan na nga ako ng lahat. Sabagay sinong hindi matatakot sa kapangyarihang hawak ko?

Pati siguro Presidente ng America ay matatakot sa akin. Pero syempre sa wattpad lang yan mangyayari. Grabe kasi imaginations ni Sky, lol. Maganda rin naman naging dulot nito sa akin dahil kung hindi dahil doon hindi ko sana makikilala ang babaeng siyang bumago ng buhay ko.

Tiningnan ko ang suot kong wristwatch. Isang oras nalang pala ikakasal na kami. I'm so excited and nervous right now. Finally... she's going to be mine forever.
Tsk! Kanina pa ako naiinis dito. Gusto ko na ngang lumabas ng kwartong ito. Naiinip na kasi ako na matapos itong ginagawa namin. Kinukuhanan kasi ako ng video at picture dito sa kwartong pinagbihisan ko.

Nakabihis na ako kanina pa kahit isang oras pa naman ang kasal. Kailangan ko kasing magbihis ng mas maaga para sa photo shoot. Tss! Kailangan ba talaga sa kasal ito? Sabi ng photographer sa akin kailangan daw nila, kasi iinclude nila ito para sa compilation ng mga pictures and videos namin para sa wedding album. Sabi pa ng photographer kanina, kailangan daw makuhanan ako ng iba't ibang anggulo para maindicate nila ito sa video na ipapalabas nila mamaya sa reception. Psh!

Kaartehan! Ang gusto ko lang naman makasal kami agad at wala ng arte-arte. Sa totoo lang ayoko naman talagang magphotoshoot. Napilit lang nila ako dahil hindi daw nila ako palalabasin dito hangga't hindi ako nakukuhanan. Tss! Ako pa tinakot nila! Magwawalk out na nga sana ako palabas ng makatanggap ako ng tawag kay Jennie.

Hayun, pinagalitan ako. May nagsumbong siguro sa isa sa mga staff ng photographer kaya wala na akong nagawa kundi sumunod nalang. Kakaasar nga! Hindi ako sanay ng ganito na para akong model sa harap ng camera. Nahihiya kasi ako tsaka naisip ko na baka lumabas na parang korni ang mga pose ko sa camera. Paulit-ulit pa naman ang pagkuha nila dahil hindi ko makuha ang tamang anggulo. Paano naman kasi naiilang ako. Naisip ko si Jennie, ganito din kaya ginagawa niya? Gusto ko na siyang makita. Kakainis magkahiwalay kami ng bride ko ng kwarto.

Gusto ko nga iisa lang ang kwartong pagbibihisan namin ni Jennie para magkasama kami. Sad to say, hindi natupad ang gusto ko. Sabi ng mga lola ko at mga tita ko hindi daw pwedeng magsama ang bride at groom sa iisang kwarto. Bawal daw kasing magkita ang bride at groom habang hindi pa nakakarating ng simbahan. Malas daw kasi iyon.
Pssh! Malas? Talagang matatanda nga naman! Ang daming alam na pamahiin. Tss! Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga pamahiin nilang iyan. Nasa computer ages na tayo, hindi na nag-eexist mga yan.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon