CHAPTER 22.2

1.1K 29 0
                                    

Still Jennie Kim's POV

Hinihingal ako habang nagpapahinga sa likod ng malaking katawan ng isang puno. Pagod na pagod na ako sa kakatago at kakatakbo.

Ang layo na ng tinakbo ko sa nagtatakang kidnapin ako, mabuti nalang at nailigaw ko yung mga humahabol sa akin.

Umiiyak na ako sa takot.

God... I feel so hopeless.

Ang dilim-dilim sa paligid, tapos nagkataon pang walang buwan ng gabing iyon.
Malayo ang mga kabahayan sa isa't isa at iilan lang ang mga ilaw na tumatanglaw sa kalsada.

Pati ang mga sasakyang dumadaan ay paisa-isang dumadaan sa bawat kalahating oras.

Nakakatakot isipin na nasa bingit ako ng kapahamakan tapos wala pang darating para tulungan ako.

Napalayo na rin ako sa K.U, hindi ko rin alam kung anong lugar na ito. Masukal kasi at mabato ang daan na tinahak ko kanina.

Ang hula ko ay na sa may bandang bukid ako dahil palayan at maisan ang natatanaw ko buhat sa pinagtataguan ko.

Nakarinig ako ng mga yabag na paparating. Sumilip ako mula sa likod ng puno para alamin kung iyon ang mga humahabol sa akin ang nagmamay-ari ng mga yabag.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang dalawang goon ang nakatayo sa kinaroroonan ko ilang dipa ang layo mula sa akin.

"Lagot tayo kay boss pare! Nakatakas yung babae." dinig kong sabi ng isa.

"Halughugin natin ang buong paligid malamang hindi pa iyon nakakalayo. Nagtatago lang iyon dahil nakita ko siyang dito tumakbo. Tawagan mo sina Jason na patuloy na saliksikin ang lugar dahil patay tayong lahat kapag hindi natin siya naiuwi kay bossing!"anang pinakalider.

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi ako makalikha ng anumang ingay dahil nanginginig na talaga ako sa takot.

Pagod na pagod na akong tumakbo. Wala na akong lakas para gumalaw man lang. Kumakalam na ang sikmura ko at tuyung-tuyo na rin ang lalamunan ko dahil sa uhaw.

Halos kalahating oras na rin akong walang tigil sa pagtakbo at pagtatago.

Nanghihina na ang katawan ko, nawawalan na ako ng pag-asa na may magliligtas sa akin sa pagkakataong ito.

Palaisipan pa rin sa akin kung sino ang may tangkang magpakidnap sa akin.

Hindi ba alam ng nagpakidnap sa akin na hindi na kami mayaman at halos lubog na kami sa utang?

Knowing the business world, siguradong kalat na sa buong bansa ang nangyari sa pagbagsak ng mga kompanya ng daddy ko.

Damn that beast!!!

Tahimik akong umiiyak habang pinapanalangin na hindi ako makita ng dalawang goon at dalangin ko rin na may taong darating para tulungan ako.

"God... please send a knight for me..."
bulong ko habang tahimik na pinupunasan ng palad ko ang mga luhang walang tigil sa pagpatak.

Nakahinga lang ako ng maluwang ng makita kong naglalakad na palayo ang dalawang goon.

I'm safe I guess, sana tuluyan na nga silang umalis.

But I was wrong!!!

Hindi pa sila masyadong nakakalayo ng malakas na tumunog ang cellphone ko.

Halos mawalan ako ng ulirat ng pumihit sila pabalik para hanapin kung saan nagmumula ang tumutunog.

"Ano yun?" sabi ng isa at nagpalinganga.

Natataranta naman ako sa pagkapa sa loob ng pantalon ko. Para patigilin sana ang pagriring  ng cellphone ko.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon