CHAPTER 26.1

1.1K 42 10
                                    

Jennie Kim POV

"Hey kumain ka muna oh. Dinalhan kita ng arroz caldo"

Naalimpungatan ako sa malalim na pag-iisip ng bigla siyang magsalita.
Napatingin ako sa kanya at saka binigyan siya ng tipid na ngiti.

Inilapag niya ang bowl ng arroz caldo sa mesang katabi ng kama at saka siya tumabi sa sofang inuupuan ko. Iniiwas ko naman agad ang tingin doon sa dala niya.

"Mamaya na. Kakakain ko lang ng tinapay kanina." tipid kong sabi habang nakatitig ako sa lalaking mahimbing pa ring natutulog ng payapa sa kama.

"Totoo ba iyan?" hindi kumbinsidong tanong nito saka mataman akong tinitigan. Umupo siya sa tabi ko at huminga ng malalim.

Suminghap nalang ako at napayuko nalang ng ulo dahil nagsisinungaling ako sa kanya.
Ang totoo niyan ay hindi pa talaga ako kumakain dahil wala akong ganang kumain.

Halos magtatatlong linggo na akong walang ganang kumain simula ng mangyari ang insidenteng iyon.

Hindi din ako makatulog ng maayos dahil lagi ko siyang napapanaginipan at lagi nalang akong nagigising na umiiyak habang hawak ng mahigpit ang kamay niyang walang kabuhay-buhay.

"You should eat a lot Princess. Siguradong magagalit siya sa akin kapag nakita niyang pinapabayaan kita." Bumuntung-hininga ito saka hinila ako papalapit sa kanyang katawan upang yakapin.

"Ayoko namang suntok ang matanggap ko sa kanya paggising niya." pabirong sabi niya habang natatawang iniipit ako sa katawan niya.

"L ano ba! Hindi ako makahinga!" protesta ko habang pilit ko siyang tinutulak palayo ng katawan ko dahil halos maipit na ang mga dibdib ko sa higpit ng yakap niya.

Balik na sa dati ang tawag niya sa akin simula ng makipaghiwalay siya sa akin.

Gumaan ang loob ko noong sinabi niya iyon dahil hindi na ako kailangan mag-isip ng mga salitang sasabihin ko para makipaghiwalay ng maayos sa kanya.

Nais pa nga niyang bawiin noon, kaya lang napag isip-isip din niya na mas mabuting maghiwalay na kami ng tuluyan at manatiling magkaibigan na lamang para sa ikabubuti ng lahat.

Hindi na rin naman ako karapat-dapat kay LuHan dahil sa mga nangyari sa amin ni Lim na ilang beses nangyari.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit pumayag akong makipaghiwalay although hindi naman iyon big deal sa kanya kung nakuha man ni Lim na dapat ay para sa kanya.

Hindi naman daw niya ako minahal dahil lang sa katawan ko. Minahal niya ako dahil ako ang babaeng unang nagpatibok ng puso niya at ang kauna-unahang babaeng minahal niya.

Sayang nga daw na papakawalan niya ako dahil hindi daw niya kaya.
Mahal na mahal daw kasi niya ako.
Pero mas mabuti nalang ang ganito.

Nangangamba rin akong ipagpatuloy ang relasyon namin ni LuHan dahil may tsansang magbunga ang mga nangyari sa amin ni Lim. Fertile kasi ako that time.

Ayoko namang maeskandalo siya kaya mabuti na rin ang paghihiwalay namin. Nakakahiya kasing isipin na manatili siyang boyfriend ko tapos na buntis ako ng kapatid niya. Malaking kakahiyan iyon sa ego niya hindi ba?

Nalaman ko din kay LuHan ng araw na iyon na nasa hospital si Daddy dahil nagkaroon ito ng mild stroke. Okey naman na daw si daddy dahil hindi naman grabe kaya hindi na ako masyadong nag-alala.

Nastroke pala ito dahil na high blood ito ng ipaalam ni LuHan na kinidnap ako ni Lim siya daw ang sinisi.

Humingi siya ng tawad sa akin pagkatapos niyang masabi iyon. Agad ko siyang pinatawad dahil wala namang may gustong mangyari iyon.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon