CHAPTER 20.2

951 20 0
                                    

Jennie Kim POV

Oh my gosh!

Papalapit na siya sa amin ngunit sa kabilang side siya nakaharap.

Natataranta na ako dahil kapag humarap siya sa gawi namin. Makikita at makikita niya kami.

Anong gagawin ko?

Dalangin ko huwag naman sana siyang tawagin ni LuHan.

"Jisoo Andrew!" Saktong paglingon nito sa gawi namin ay tinawag siya ni LuHan at kinawayan ito.

Anak ng alien naman oh!

Ang bait talaga ng tadhana sa akin.

Tsk! Tsk! Tsk!

Nadidismayang yumuko nalang ako.

Ano na ngayon ang gagawin ko? Ngayong magkukrus muli ang landas namin ng lalaking pinagtataguan ko rin ng ilang buwan.

Ang swerte naman talaga ng lalaking ito, ang bilis akong nahanap.

Nakalimutan ko palang detective ang nakakatanda niyang kapatid na si Kuya Lay at secret agent naman ang pumapangalawang kapatid niyang si Kuya D.O.

Malamang humingi ito ng tulong sa isa sa kapatid nito.
Natatandaan ko noon na botong-boto ang mga kuya niya sa akin.

Sila pa nga nagseset ng date namin ni Jisoo dahil ang ex ko walang alam sa mga date thingy kasi ako ang first na niligawan niya at first love niya.

Suplado kasi siya at pili lang ang kinakausap. Masungit at laging gusto ang nasusunod. Sabi nga niya sa akin noon, na love-at- first-sight daw siya sa akin.

At ng araw din na iyon agad itong nagpatulong sa mga kuya niya kung paano manligaw.

Naging masaya naman ako sa kanya, mahal namin ang isa't isa at umabot kami ng mahigit limang buwan.

Pero bigla nalang siyang nagbago, naging masyado na siyang possessive sa akin.

Bantay-sarado at laging nakabuntot. May kausap lang akong lalaki bigla nalang mananapak at manununtok.

Pati ako napagbuhatan niya ng kamay.

Muntik na rin niyang makuha ang iniingatan ko, ng gabing pinuntahan ko siya sa condo niya para mag-usap kami at ayusin sana ang mga gulong ginawa niya.

Umiiyak siyang humingi ng tawad sa akin ngunit di ko siya pinatawad dahil punong-puno na ako.

Galit na galit ako sa kanya noon dahil sa ginawa niya.
Hanggang sa magdesisyon akong hiwalayan siya at lumipat ng eskwelahan.

Ang masaklap nito, bestfriend siya ng boyfriend ko. Hindi ko lang maalala kung nakwento ko ba kay LuHan ang tungkol kay Drew.

Arggghhhh!!!

Ang malas ko naman talaga oh.

Prinoproblema ko na nga si halimaw may sisingit na naman na isa.

Anong ginawa ko at pinaparusahan ako ng ganito ng langit.

Naging mabait naman akong anak, masunurin at mapagmahal.
Marami akong kaibigan at nagbibigay naman ako ng donation sa mga charity.

Mabuti nalang nasa tabi ko lagi si LuHan. Napakaswerte ko sa kanya dahil mahal na mahal niya ako. Ibang-iba siya kahit may pagkaseloso minsan.

Namalayan ko nalang na nakalapit na pala siya sa table namin.

Tumayo siya sa bandang tabi ko kung saan nakatayo si LuHan at malawak ang ngiti.

"Dude!" panabay na wika nila ni LuHan at pabirong nagsapakan.

Sumulyap siya sa gawi ko, pakiramdam ko nanigas na ako sa kinauupuan ko.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon