CHAPTER 7

1K 31 0
                                    

Jennie Kim POV

Paakkkk!

Isang malakas na sampal ang pinatama ko sa salaring bigla nalang nanghahalik sa leeg ko.

Sa lakas ng pagkakasampal ko'y napabaling pa ang mukha nito patagilid.

Ramdam ko pa ang panginginig ng kalamnan ko at sakit ng palad kasi ang tigas ng panga niya. huhuhu.

Wala na ba itong gagawin kundi kamanyakan nalang?

At ako pa pinagtitripang manyakan!

"Pervert!" mahina kong sabi.

Ayokong gumawa ng gulo dahil maraming kumakain pero hindi pa rin maiiwasan dahil may naririnig na akong nagbubulungan at hula ko eh ito yung mga taong nakakita ng pagsampal ko sa lalaking biglang sumulpot nalang.

Ngumisi lang ito at ininda lang ang pagkakasampal.

Kita ko pang nagmarka ang kamay ko sa kabilang pisngi niya.

Lumapit ito sa akin na tila muling hahalikan na naman ako, this time sa labi naman, ng biglang umeksena si LuHan.

"Limario stop that!" galit na saway ni LuHan bago pa man dumampi ang labi nito sa akin.

Pero parang wala itong narinig at tinuloy nalang ang pagsiil ng halik sa mga labi ko.

Pilit ko siyang tinutulak pero anong laban ko sa lakas niya, babae lang ako at mahina.

Pinilit kong itulak siya pero hindi ko kaya, mas lalo pang lumalalim ang halik niya.

Feeling ko nagdudugo na mga labi ko sa sobrang diin at rahas niyang humalik.

Wala na kong nagawa kundi ang hayaan nalang siya hanggang sa kusa na itong tumigil.

"I said stop it Limario!" At doon lang niya pinakawalan ang mga labi ko. Kung hindi pa pala tumayo si LuHan at hinila ito ay wala talagang balak itong bitawan ako.

Matalim na tumitig lang si halimaw dito at inis na bumuntung hininga.

Agad naman akong tumayo kaya lang mas mabilis ang kamay ni halimaw na pumigil sa akin.

"STAY HERE! DAMN IT!"

Nagulat ako sa pagsigaw niya at biglang akong napatingin dito.

"How dare you! I'm going home! Let's go LuHan". marahas kong binaklas ang kamay niya pero tila bakal ito sa tigas.

Kita ko na ang pamumula ng balat ko sa higpit ng pagkakahawak nito.

"Let me go!"

"Lim let her go! You're hurting her!"
Galit namang bumaling si halimaw kay LuHan.

"At kailan ka pa natutong sigawan ako L? Mas matanda ako sayo ng dalawang taon kaya wag mo akong sigawan!"

"Bitawan mo siya Lim bago ko pa makalimutang mas matanda ka sa akin!"

"FINE! BUT SHE'S NOT COMING WITH YOU!"

Hinimas ko ang nasaktang braso ko, napangiwi ako ng makitang halos nangingitim na ito.

Lumapit si LuHan at inispeksyon ang braso ko.

"Damn!' I heared him cursed.

Iginala ko ang tingin sa loob ng Gothic Grill at tama ang hinala ko, nakatingin na sa amin lahat ng taong kumakain dito.

Napayuko nalang ako at hinayaan si LuHan sa pag-iinspeksiyon pa rin sa braso ko.

"You alright Jennie?"

"Guess so. Gusto ko ng umuwi nawalan na rin ako ng ganang kumain."

"You are not coming with him." sabat ni epal.

"Wala kang karapatang pagbawalan ako. Hindi kita kaanu-ano!"

"I SAID YOU'RE NOT COMING WITH HIM!"

"Wala kang pakialam! Sasama ako kay LuHan! Let's go LuHan."

Ngunit bago ko pa mahila si LuHan, nahila na ako ni halimaw.

"Ano ba! Ano bang problema mo!"

"DAMN! DAMN!" he cursed ang hilig lang talagang magmura.

Tila mauubos ang pasensyang hinagod at ginulo gulo nito ang buhok.

Napakagat ako sa labi ko coz I find that so hot. At napangiwi lang ako dahil kumirot ang labi ko tanda ng nasugatan ako sa paghalik ng lalaking ito.

"Hey you alright?" tanong ni LuHan.

"Damn you Lim! Look at her lips its bleeding!"

May dinukot ito sa bulsa at mabilis na pinahiran ang dugong umaagos sa labi ko.

Napangiwi ako dahil ang bigat ng kamay niya.

"I'm sorry."

"Looks more delicious." ani ni halimaw at dinilaan pa ang sariling labi.

Kinilabutan naman ako sa sinabi niya.

Edward Cullen lang ang peg?

Inirapan ko lang siya na sinuklian naman ako nito ng nakakalokong ngiti.

"Lets go Jennie."

Hinila na ako ni LuHan palabas bago pa makapagreact si halimaw.

Nilingon ko naman siya at binelatan :p saka nagpahila na kay LuHan.

"Wa---"

"Lim" tili ng isang babae na kakapasok palang.

Sinugod nito ng yakap at halik ang lalaking halimaw na tulala lang na nakatingin samin habang palabas ng Gothic.

"Get off me!"

Hahabol pa sana ito pero may dalawa pang sumulpot na babae na yumakap at humalik rin dito.

I just rolled my eyes.

He's too popular to the girls, malamang sex playmates niya ang mga ito.

Nag-iwan pa ako ng isang irap bago tuluyang makalabas ng lugar na iyon.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon