CHAPTER 32.2

818 26 7
                                    

Jennie Kim POV

Pinipilit kong matulog ngunit sadyang mailap sa akin ang antok. Hindi ako mapakali dito sa kwarto namin. Sina Rosé, Nayeon at Jongyeon na kasama ko dito sa kwarto ay kanina pang alas-syete tulog. Naghihilik na nga sila samantalang ako ay mulat pa rin hanggang ngayon.

Uminom na nga ako ng gatas ngunit waepek. Lahat na rin ng posisyon sa paghiga ay nagawa ko na pero hindi talaga ako dalawin ng antok. Masydo kasi akong excited para sa kasal namin ni Limario. Hindi na ako makapaghintay para sa mangyayari bukas. Sa wakas ikakasal na rin kami.

Ganito pala pakiramdam ng ikakasal. Masyado kasi akong lutang. Pakiramdam ko nasa Mars ang utak ko at para akong naglalakad sa alapaap. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko dahil halo-halo. Mabuti nalang at nasa ayos na ang lahat. Iba pa rin talaga kapag may maaasahan kana coordinator.
Siya kasi nag-aasikaso para sa kasal namin. Hands on din naman ako sa kasal namin at tinutukan ko din ang mga importanteng detalye. Hindi naman kasi pwedeng iasa ko nalang lahat sa kanila.

Nandito na rin pala sa hotel ang mga photographer at videographer dahil maaga nila akong kukuhanan bukas para sa ilang detalye na ilalagay nila sa video na ipapalabas bukas sa reception. Narinig ko rin na kakadating lang kanina ng make-up artist. Mabuti naman at andito na sila atleast relax na ako bukas at wala ng masyadong iisipin. Ayoko kasing mastress para naman blooming ako sa kasal ko bukas.

Gusto ko sana kasama si Limario ngayon ngunit hindi pwede dahil sa pamahiin ng mga matatanda. Wala akong nagawa kundi sumunod nalang. Wala namang mawawala sa amin kundi sumunod nalang. Matitiis ko naman na hindi siya makasama. Bale pangalawang gabi na nga ito dahil kahapon pa ng umaga ng dumating kami dito. Nakakalungkot nga dahil magkaiba kami ng hotel na tinuluyan. Iyon daw kasi ang dapat para daw hindi kami magkita ng groom ko.

Hindi pa rin talaga ako dalawin ng antok kaya naman napagpasyahan kong lumabas muna ng kwarto namin. Kinuha ko muna ang balabal ko at cellphone bago ako lumabas ng kwarto. Dahan-dahan kong isinara ang pintuan ng makalabas na ako. Ayoko namang maistorbo ang tatlo kong kaibigan sa kanilang pagtulog. Napagod kasi sila sa paglilibot sa Famous Heritage of Vigan kanina dahil namasyal sila. Dami nga nilang nabili na souvenirs.

Nakaramdam ako ng ginaw ng makalabas ako ng kwarto. Agad ko namang ibinalabal ang hawak kong balabal para maibsan ang ginaw na nanunuot sa buto ko. Malamig pala sa Vigan kapag ganitong oras. Feeling ko nasa Baguio City ako. Nakita ko pa ang mga bodyguards na pinasama sa akin ni Lim na nagkakape sa isang sulok ng hallway ng mapadaan ako doon. Tinanguan ko lang sila ng batiin nila ako.

Nilampasan ko sila at tinungo ko ang terrace na nasa malapit lang. Sadyang ipinasama sila ni Lim dito sa hotel na tinutuluyan ko dahil mahirap na daw baka nasundan kami ni Kai. Tatanggi na sana ako dahil kasama ko naman ang mga kaibigan ko at mga magulang ko na nasa kabilang kwarto, ngunit di siya pumayag. Iba pa rin daw ang sigurado dahil hindi daw namin alam ang mga mangyayari. Hindi namin hawak ang isip niya at mga kaya nitong gawin. Pero naisip ko rin na hindi impossibleng hindi niya malaman na dito kami ikakasal dahil napadalhan ng imbitasyon ang mga magulang niya. Imbitado kasi sila dahil kapatid ni Mommy ang Mommy niya.

Sana naman nakalimutan na ako ni Kai. Sana patahimikin na niya kami. Ikakasal na kami ni Lim at magkakaroon na ng anak. Huwag naman sana siyang maging dahilan para hindi matuloy ang kasal ko. Matauhan na sana siya at kalimutan nalang ako. Maging masaya nalang sana siya sa amin ni Lim gaya ng ginawa ni Jisoo at LuHan. Nagparaya sila at hindi nagtagal nakahanap narin sila ng mamahalin nila. Si Jisoo gilfriend na niya si Rosé. Sobrang kilig na kilig nga si Rosé kay Jisoo dahil sa pag-amin nito sa kanya. Sobrang saya ko naman sa best friend kong si Rosé. Finally nasa paligid lang pala ang hinihintay nya. Masaya ako para sa kanila. Si LuHan naman balita ko may nililigawan siya dito sa wattpad. Lia ata pangalan, Hay naku crush nya yun eh ayaw pa niyang umamin hay ang hina haha lol hindi nagmana sa kuya nyang halimaw.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon