CHAPTER 29.4

996 32 5
                                    

Still LuHan Lee Manoban POV

Nagtatakbo ako palapit sa kanila ng makita kong nakaupo si Lim sa semento habang kalong-kalong si Jennie na nawalan ng malay. Halos mataranta ako sa paglapit ng makita kong nakapikit siya at nakalaylay ang kanyang ulo.

"W-What happened Lim?" tanong ko sa kapatid ko na halos mamutla na sa takot habang nakatingin lang sa kawalan. Alam kong kinakabahan siya at natatakot dahil baka may nangyaring hindi maganda sa mag-ina. Ako din naman kinakabahan.

"L-L pwede mo bang tingnan ang mga legs niya kung may dumadaloy na d-dugo. H-Hindi ko kayang tingnan baka nalaglag ang a-anak namin." garalgal ang boses na sabi niya habang nakatingin pa rin sa malayo.

Kitang-kita ko ang takot sa mukha niya pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin. Hindi ko alam na may ganito siyang side dahil kadalasan naman ay kalmado ito o kaya naman laging galit ang laging nakadrawing sa mukha nitong reaksyon. Ngayon hindi, dahil sa wakas nakita ko na rin siyang mamutla sa takot at kabahan.

Hindi sa natutuwa akong makita ang reaksyon niyang ito. Gusto ko lang makita para mapatunayan kong na tao talaga siya na pwede ding matakot at kabahan. Tsk! Iba talaga ang epekto ni Jennie. Sobrang tindi, dahil nabago niya ang halimaw. Halimaw na naging totoong tao na ngayon. Hehe.

"L! Nakikinig ka ba? Tingnan mo baka dinugo siya para maitakbo na natin sa hospital. " aniya sa akin ng hindi ako gumalaw at tumunganga lang sa kanya. Tsk! Masyado yata akong nagtagal sa pagmamasid ng reaksyon niya.

Naalarma naman ako dahil sa sinabi niya. Naisip ko na baka nga iyon ang dahilan kung bakit nawalan ng malay si Jennie.

"Huwag mo siyang sisilipan, hanggang legs lang ang tingnan mo. Uupakan kita pag sinilipan mo siya." paalala pa niya sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko ng marinig ang nakakairitang paalala niya. Anak ng pating naman oh! Anong tingin niya sa akin? Manyak? Kung may manyak man dito, siya yun!

"Tsss! Oo na!" naiinis kong sabi.

Lumapit ako kay Jennie para matingnan ko kung dinudugo nga siya. Hinawakan ko ang laylayan ng dress niya at bahagya ko itong itinaas  hanggang tuhod. Mahaba kasi iyon na halos umabot sa talampakan kaya kailangan ko pang itaas para makita ko kung dinudugo nga siya.

Kinakabahan pa ako habang itinataas ko pa iyon paakyat. Nanalangin din ako ng tahimik habang itinataas ko iyon. Saka lamang ako nakahinga ng maluwang ng makita kong wala kahit isang patak ng dugo sa legs niya.

"Wala naman Lim." sabi ko kay Lim habang bumubuga ako ng hangin. Pinunasan ko pa ang butil ng pawis na tumutulo sa noo ko sa sobrang tense ko sa ginawa ko. Akala ko nalaglag na ang anak nila. Salamat naman at hindi pinahintulutan ng Diyos ang iniisip namin. Dahil sinisigurado kong papatayin namin ni Lim ang walanghiyang Kai na iyon kapag may nangyaring hindi maganda sa mag-ina niya.

Loko talagang Kai na iyon. Huwag siyang magpapakita sa akin dahil ako mismo papatay sa kanya kapag nakita ko siya. Malamang nasa hospital siya sa mga oras na ito dahil sa mga tinamo niyang suntok kay Lim. Mabuti nga at matuluyan na ang gagong iyon. Pero bakit kaya nawalan ng malay si Jennie?

"Tingnan mong mabuti baka naduling ka lang." aniya habang nakatingin na siya sa akin.

Langya! Anong tingin niya sa akin duling? Tss! Bakit kaya hindi nalang siya tumingin at ng makita niya. Nakakaasar makapag-utos. Hmmmmmn... Wait a minute maasar nga ito.

"Sure big bro. Hanggang saan ba ang sisilipin ko hanggang panty ba?" nakakalokong sabi ko habang ngumingisi. Akma ko na sanang itataas pa ang laylayan ng damit ni Jennie ng pigilan niya ako.

"Fuck you! Tumigil ka sa kalokohan mo uupakan kita!" galit na utas niya habang nakahawak siya ng mahigpit sa...

Shit! Mabilis kong naibaling ang tingin ko sa ibang direksyon ng makita ko kung saan nakahawak ang kamay niya. Nakita ko pang napakunot-noo siya ng makita ang reaksyon ko. I swear sobrang Namumula na ang buong mukha ko ngayon.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon