CHAPTER 34.2

894 25 1
                                    

Jennie Kim POV

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Hindi kaagad ako nagmulat dahil masakit talaga. Napasapo pa ako dito ng biglang umalog ang kinahihigaan ko. Bakit naman aalog ang kama? Hindi kaya lumilindol? Pero hindi naman. Pansin ko na umaalog ito na tila nakasakay ako sa isang kotse. Hindi kaya nakasakay talaga ako sa kotse?

Saka ko lang naisip na nakasakay nga ako dito. Oo nga pala kasal ko ngayon at papunta na ako sa simbahan. Ikakasal na rin kami sa wakas ni Limario. Tapos honeymoon na ang susunod mamaya pagkatapos namin sa reception. Bakit kaya ako nakatulog? Mabuti nalang nagising ako. Baka nasira na make-up ko nito. Sayang kung masisira lang dahil nag-effort talaga ang make-up artist ko para maitago ang malaki kong eyebags at mga pimples kong tumubo sa pisngi ko.

Nagtataka nga ako kung bakit ako tinutubuan ng ganoon. Sabi naman ng dermatologist ko natural lang daw iyon sa buntis. Cause of hormonal imbalance daw. Hindi daw pwedeng gamutin dahil baka lumala. Salamat nalang sa make-up at naitago ito. Ichecheck ko nga pala itong make-up ko para makita ko kung na erased o kaya naman ay nagkalat na. Dapat maganda ako ngayong araw na ito.

Hindi lang sa mata ng ibang tao dahil ang pinakaimportante ay sa mata ng groom ko. Gusto kong maging pinakamaganda sa paningin niya. Yung halos matulala na siya at maglaway.
Ang ganda-ganda ko nga ng makita ko ang itsura ko sa salamin kanina pagkatapos kong make-upan. Para daw akong royal princess na ikakasal sa prinsipe ng Wales. Ang ganda ng gown ko at bagay na bagay ito sa akin. Parang yung gown ni Princess Diana pero modern nga lang ang pagkakadisenyo.

Hindi nga daw halatang buntis ako sabi ni Rosé. Siya nga pala ang maid of honor ko at senior bridesmaid naman sina Nayeon at Jongyeon. Ang kambal na yun kanina ang kukulit. Paano naman kasi pasaway. Nagalit tuloy yung photographer. Pero syempre deadma nalang sila. Napatagal tuloy picture-taking namin dahil sa kanila.
Hmmmnnnn... Matingnan na nga lang itsura ko sa salamin.

"Kris paki--- Huh? Bakit andito ako sa front seat?" nalilitong tanong ko.

Tiningnan ko ang suot ko. Bakit nakapulupot sa akin ang kapa na'to? Tsaka parang pamilyar ang kapang ito. Napatingin ako sa labas.  Shitness! Bakit madilim na sa labas? Makulimlim lang ba?
Tsaka ko lang napansin na iba ang kulay na kotseng kinalululanan ko. Shitness! May mali dito. Parang may naaamoy din akong pamilyar na pabango parang pabango ni...

"Mabuti naman at gising kana?" anang isang pamilyar na boses. Mabilis pa sa alas-kwartong nilingon ko siya. Hindi nga ako nagkakamali sa naisip ko. Nakaramdam ako ng takot ng makita ko siyang nakangisi. Nalilito ako dahil bakit ako nandito at bakit kasama ko siya.

"K-Kai..." sa nangangatal na boses ay anas ko.

Nakaramdam ako ng panginginig ng katawan. Wala sa loob na napayakap ako sa tyan ko. We are in danger. At masamang si Kai ang kasama ko. I know what he is planning for. And I hate it. He is abducting me at nakakaramdam ako ng panic dahil ang bilis niya magpatakbo na tila nagmamadali siyang maitakas ako.

"Wala ng iba..." aniya saka ngumisi ng mas nakakatakot.

I know he is losing his sanity. Baliw na siya at kailangan na itong dalhin sa mental. Sa pinapakita palang nitong galaw at mga ngisi ay mahihinuha mong malapit na siyang mabaliw. Ang laki ng pinagbago ng itsura niya. Pumayat siya at mas lalong pumutla ang kanyang kutis. Tila hindi ito kumakain at natutulog dahil sa kapayatan ng katawan nito. Parang kulang siya sa nutrisyon at mukhang nagdodroga siya dahil mapula ang kanyang mga mata at malalim ang eyebags. Ang dating maikling buhok na laging nasa ayos ay mahaba na ngayon na umabot na yata sa batok niya.

Gulo-gulo at mukhang hindi nakakatikim ng suklay. Mukha na siyang drug addict. Ngayon ko lang ito napansin dahil hindi na niya suot ang ginamit niya para makapagbalat-kayo. Tinanggal na kasi niya ang wig niyang suot, ang maitim na balat, pekeng balbas at iba pang prostetics na inilagay niya sa mukha para hindi siya makilala. Sa tingin naman niya mauuto niya ako. Kagabi ko pa iyon napansin ngunit pinagpawalang bahala ko lang dahil baka kamukha lang niya. Ngayon lang sumagi sa isipan ko kung bakit ako nakasakay sa kotse niya.
Ang huling natatandaan ko ay nuong tumatakbo ako para matakasan siya tapos pagliko ko sa isang pasilyo ay may lalaking bigla nalang humablot sa akin at tinakpan ang bibig ko ng panyo at yun black out na.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon