CHAPTER 3

1.4K 42 3
                                    

Jennie Kim POV

Dahil sa hinimatay ako kaninang umaga at samahan pa ng matagal na pagmamakaawa kay Kai para ibigay ang mga schedules ko.

Heto ako ngayon at bored na bored ng nakikinig sa prof naming engross na engross sa paglelecture sa harapan.

Wala sa lecture nito ang isipan ko dahil lumilipad na naman si Brain sa Mars at nakikipagtsismisan sa mga Marians. haha

Eh sa napag-aralan ko na kasi ang tinuturo niya kabisado ko na ang laman ng librong tinuturo niya dahil bago palang magstart ang pag-eenrol nagpapadala na si mommy ng mga librong aaralin ko.

Nainis nga ako minsan kasi yung ibang pinapadala niya eh di naman pinag-aaralan sa kursong kinukuha ko ngayon.

Ikaw ba naman ang padalhan ng Cook Books?

Tell me kasali ba yun sa Business Ad?

At eto pa ang malala nung magpadala siya ulit ng mga books na galing pang US, excited pa naman ako nun dahil marami na naman akong maidadagdag sa box of knowledge ko.

Pagbukas ko ng box, heto lang naman mga title Sleeping Beauty, The Little Mermaid, Snow White and the Seven Dwarfs, balak ata akong ibalik ni mommy sa pagkabata.

The Holy Bible at balak yata niya akong papasukin sa kumbento at ito pinakaworst!

Kelan pa ko naging fan ni Dora para magcolor ng Coloring Books na si Dora the Explorer pa ang character.

Napasigaw ako ng wala sa oras ng makita ang kahuli-hulihang laman ng kahon KAMA SUTRA!!! Balak ba ni mommy na pag-aralan ko lahat ng posisyon na nandoon eh wala sa vocabullary ko ang salitang SEX!

Seriously asking, kasali ba yun sa dapat kong pag-aralan sa college?

May subject ba na pang fairytales na kung saan pag-aaralan ang buhay ni Snow White, Belle, Aurora, Ariel at kung sinu-sino pa eh di ako naniniwala dyan.

May tao bang kayang matulog ng isandaang taon kung na-comatose maniniwala pa ako eh pagtulog ng isang daang taon di kapani-paniwala di ba?

Kaya nga fairytale kasi di mangyayari sa tunay na buhay.

Nang araw na makita ko ang laman ng box ay agad kong tinawagan si mommy kahit alam kong madaling -araw palang sa kinaroroonan nila.

"Hello Mom!" inis kong sigaw ng sagutin nito ang telepono sa panglimang tawag.

"Why are you calling Princess in the middle of midnight and why are you shouting at your mom?" malambing nitong tanong kahit mukhang gusto narin nitong sumigaw.

I know my mom kahit na galit na ito ay hinding-hindi nito magagawang sigawan ako.

"Mom why did you sent me this kind of books? Am not a kid anymore to read fairy tales story and colored some dora's coloring book and read the Holy Bible coz I memorized what's written in the Luma at Bagong Tipan! And what about this kadiri books KAMA SUTRA?!!!"

Narinig kong humagikgik si daddy na nakikikinig marahil sa usapan namin ni mommy pati si mommy ay naririnig ko ring pinipigilang bumunghalit ng tawa.

"Mom, can you please explain why did you sent those stuff I don't need this!" mahinahon ko ng sabi kahit inis na inis pa rin ako.

"Just try to read those stuff surely ma eenjoy mong basahin ang mga yan para di ka maging ignorante sa mga bagay na yan. Bye Princess we love you."

"But mo-." bago pa ko makapagprotesta binabaan na ako ng telepono. Hay pinagtripan na naman nila ako.

Naalala ko yung huling sinabi niya yung KAMA SUTRA ba tinutukoy ni mommy? Gross!

Napangiti nalang ako ng maalala ang kalokohan ng mommy ko.

Miss na miss ko na sila, isang buwan ba naman silang di umuuwi ng Pilipinas.

Narinig kong tumikhim si Sir.

Agad naman akong umayos ng upo at tumingin dito.

Pinamulahan ako ng mukha ng pamansing nakangisi ito, nahuli kaya ako ni Sir na ngumitingiti mag-isa?

Baka iniisip nitong nababaliw na ako.

Napaiwas nalang ako ng tingin ng wala sa oras.

Napansin ko lang ang gwapo pala at mukhang bata pa si Sir. :)

Napatingin ako sa relo ko, fifteen minutes nalang at makakauwi narin ako sa wakas.

"Ang ganda ng bagong transferee pare."
"Ano na nga name niya di ko masyadong narinig ng pinakilala siya ni Sir Ryan kanina."

"Jennie ang name nya pare"
"pare pati pangalan maganda."

Narinig kong bulungan ng mga kaklase kong lalaki sa likod.

Tss... Magbubulungan na nga halos yung marinig ko pa.

"Siya yung buhat-buhat ni Lim kanina di ba girls?"

"Pustahan tayo siya na isusunod ni Lim na isasali sa mahabang listahan nito ng sex toys."

"I agree ganyan mga type ni Lim."

Isa pa tong mga babaeng ito parang wala ako sa paligid kung pag-usapan ako.

Bigla naman akong nainis ng mabanggit ng mga ito ang pangalan ng bwiset na lalaking iyon.

Riiiinnnnggggg!

Sa wakas nag bell na makakauuwi narin ako.

Agad akong tumayo at sinukbit ang shoulder bag kong Chanel tsaka naglakad palabas ng room ignoring those guys who's calling my name and those girls throwing daggers to me. :)

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon