CHAPTER 10

1K 23 4
                                    

Jennie Kim POV

Nagmamadali ako sa pagtakbo ng umagang iyon. Pansin ko lang lagi akong tumatakbo, may future ata akong maging Lydia de Vega. :p Anak ng alien naman oh, wala na akong naging matinong pasok.

Late akong papasok sa first subject ko ngayon, napuyat ako kagabi dahil late narin kasi ako nakatulog.

Pagkatulog ko kasi ng mga alas diyes ba yun? Basta alas diyes ata, nagising ako ng mga bandang alas tres ng madaling araw para kumain kasi kung maaalala niyo di ko natapos yung pagkain namin ni LuHan sa may Gothic dahil sinira nga ni halimaw yung appetite ko.

Pag-uwi ko naman ng bahay galing doon ay tumuloy na ko sa kwarto ko at nagmukmok dahil sa sobrang inis ko samahan pa ng bahagyang pagkirot ng braso at labi ko. At... ahhhhh... nevermind.

So ayun nga ang dahilan kung bakit late akong pumasok.

Antok na antok pa ko at pakiramdam ko makakatulog ako sa klase.

After 1235667 years....nakarating din ako sa tapat ng room namin. Inayos ko muna ang sarili ko. Sinuklay ko ng mga daliri ko ang nagulong buhok, pinahid ang pawis sa patilya at kili-kili ko di joke lang di naman namamawis kili-kili ko no.

Weh?

Oo nga sabi, kahit tingnan niyo pa. :p

Anyway's, kakatok na sana ako sa may pinto ng mapansin kong nakadungaw sa akin ang mga lalaking estudyante sa kabilang room o mas tamang sabihin na nakasilip sila.

Nagbubulungan sila pero rinig ko naman yung bulungan nila.

Tell me, uso ba talaga sa school na ito ang malakas na bulungan?

"Pre ang kinis talaga niya." boy 1. (bulong daw)

"Mamula-mula ang kutis." boy 2.

"Kanin nalang ang kulang ulam na yan...Yum...yum...yum..." boy 3.

Takte lang ha! Anong tingin sa akin ng mga lalaking ito masarap na ulam?

May pakagat-kagat labi pa siyang nalalaman di naman bagay. Pero anong klaseng ulam?

Adobo, mechado, relyeno, alimango, repolyo basta lahat ng may O.

Pero sana yung sosyal naman like beef goulash, chinese spare ribs, spanish salmon at kung ano pa na niresearch lang ng ating timang na author sa google. lol

"Pare parang may mali, bakit siya don papasok?" boy 4.

Napakunot noo ako sa sinabi ng lalaki, pero deadma nalang.

"Baka may dadaanan lang diyan." boy 5 sabay kindat sakin. Gross ang pangit....

Tiningan ko silang lahat ng masama.

Pag-uusapan nalang ako eh yung dinig ko pa talaga

Sus, mga abnoy.

Bale nasa sampu sila, yung natirang lima ay hindi ko na narinig kung anuman ang naging bulungan nila. Buti pa sila, alam nila ang tamang pagbubulungan.

"Pare she looks at me!" boy 1 ulit at bulong ulit DAW!!! Namen!

"Assuming ka pare! Ako yun!" boy 2.

"Anong kayo? Ako yun no!" boy 3.

Ay mga bwiset!

Nagtalo pa ang mga gunggong eh silang lahat tiningnan ko.

Wait, cute daw ako?

Cute pa ko sa lagay na yon na halos patayin ko sila ng tingin?

At wait ulit! Correction please......!

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon