CHAPTER 29.3

887 23 0
                                    

LuHan Lee Manoban POV

"What's going on?" Nagtatakang tanong ko kay Kai.
Hinablot ko siya sa balikat ng makita kong sapilitan niyang isinasakay sa kanyang kotse si Jennie na umiiyak. Nakita ko naman sa di kalayuan si Lim na namimilipit sa sakit habang nakaluhod sa semento.

Hindi ko alam ang nangyayari dahil pagkalabas ko ng restaurant ay naabutan ko sila sa ganitong tagpo. Galing kasi ako sa loob at pinick-up ko ang order kong pagkain sa loob. Naisipan ko kasing magtake out nalang ng lutong pagkain para pasalubong ko sa kambal. Wala kasi sila Mommy at hindi naman alam ng mga katulong kung ano ang kanilang lulutuin na pagkain dahil sobrang maselan sa pagkain ang kambal kong kapatid.

Nagulat nalang talaga ako ng makita ko si Kai at Jennie na nandito tapos parang pinipilit lang niya si Jennie na sumakay ng kotse niya. Kaya nga tumakbo ako papunta sa kanila matapos kong bitawan ang mga binili kong pagkain para alamin ang nangyayari. Hindi ko nga akalain na nandito sila.

Hindi ko maintindihan kung bakit namimilipit sa sakit si Lim at umiiyak naman si Jennie habang tila sapilitan siyang pinapapasok ni Kai sa kotse nito.

"Stop him L. Itatakas niya si Jennie!'' narinig kong sigaw ni Lim sa akin habang papalapit na siya sa amin. Litong napatingin naman ako sa kanya dahil hindi ko kasi talaga magets ang nangyayari.

"Pigilan mo siya, nababaliw na si Kai!" napapangiwing sabi nito habang sapo nito ang balikat na nanakit.

"Ano ba nangyayari dito? Kuya Kai ano na naman ba ito?" baling ko naman kay Kai na nakangisi lang. Hawak nito ng mahigpit sa braso si Jennie na nagpupumiglas naman sa kanya. Naguguluhan talaga ako. Ngunit sinunod ko rin ang utos ni Lim.

"Bitiwan mo si Jennie ." sabi ko kay Kai habang pilit kong hinihila si Jennie dito. Hindi ko gusto ang mga ngisi ni Kai dahil mapang-asar ang mga ito at sa tingin ko ay delikado ang mga iyon.

Pilit kong inaalis ang mga kamay niyang nakahawak ng mahigpit kay Jennie habang umiiyak naman ng walang tigil ang huli. Nag-aalala ako sa mga nangyayari dahil parang may nangyaring hindi ko alam.
Ano ba ang nangyari at ganito ang eksenang nadatnan ko? Nagkainitan ba si Lim at Kai? May hindi ba sila napagkaintindihan?

"Huwag kang makialam dito L!" sigaw sa akin ni Kai habang pilit niyang binabaklas ang mga kamay kong nakahawak ng mahigpit kay Jennie para hindi niya ito maipasok sa kotse niya ng tuluyan.

"Malilintikan ka sa akin!" singhal niya sa akin habang matalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Pagkatapos niyang masabi iyon ay mabilis na umigkas ang kamay niya. Nagulat nalang ako ng undayan niya ako ng suntok dahilan para mabitawan ko ang kamay ni Jennie. Hindi ko inaasahan iyon kaya hindi ko naiwasan. Napaigik nalang ako ng bumagsak ako sa sahig.

Tangna! Halos mahilo akong napahiga sa sementadong daan dahil sa pesteng suntok na iyon. Para pa nga akong nakakita ng mga bituin na paikot-ikot sa ulo ko dahil doon.

Nakita kong mabilis namang nakalapit si Lim sa kanya bago pa tuluyang maipasok niya sa sasakyan niya si Jennie na walang tigil naman sa pag-iiyak.
Tangna! Naguguluhan ako.
What's happening?

"Tarantado ka! Bitawan mo siya!" galit na sigaw dito ni Lim habang mabilis niyang binaklas ang mga kamay ni Kai na nakahawak kay Jennie. Nabitawan nito si Jennie ngunit sumubsob naman siya sa loob dahil pabigla siyang binitawan ni Kai. Nag-alala naman ako sa kalagayan niya dahil baka masama ang naging bagsak niya o ano man. Kaya naman kaagad akong tumayo.

Hilong tumayo ako at pasuray-suray na lumapit kay Jennie na nakahawak sa tyan niya habang humahagulgol ito ng iyak. Nag-aalalang lumapit ako sa kanya ng makita ko siyang umiiyak. Naisip. ko baka may hindi magandang nangyari sa kanya at sa baby.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon