CHAPTER 19.1

953 23 2
                                    

LuHan Lee Manoban POV

Naglalakad na ako papuntang parking lot para hintayin ang Prinsesa ko, may date kasi kami ngayon at pinaghandaan ko talaga ito para sa kanya.

Matagal na rin kasi iyong huling date namin na kadalasan sa mga fancy restaurant lang kami pumupunta... kumakain, nagkwekwentuhan and after that ihahatid ko na siya pauwi.

A usual normal date na sa tingin ko ay ordinary nalang para sa kanya.
So I decided to give her a romantic date tonight para maiba naman.

Parang treat ko narin, kasi siya ang tinanghal na bagong Ms. K.U...

I smiled.

Ang galing ng Prinsesa ko kanina di ba?

She is stunningly beautiful tonight... kung pwede lang sana siyang magback-out kanina pinagback-out ko na siya.

Dadami na naman kasi ang mga tagahanga niya at pagpipyestahan na naman siya at pagpantasyahan ng mga tomboy, bi at mga kalalakihan.

At parang ayokong mangyari iyon na pinagpapantasyahan siya ng iba.

Nagulat nga ako nung talent portion na, hindi ko alam na magaling siyang kumanta at sumayaw.

Napakalamyos ng boses niya, ang lakas ng hiyawan ng mga kapwa ko estudyante mapalalaki man o babae.

Para kasing hahaplusin ang puso mo sa ganda ng boses niya.

Nakakainlove...

Ang galing din niyang sumayaw... nakakaakit ang bawat pag-indak ng kanyang balakang habang mabagal na umiindayog sabay ng mabagal na kanta.

Sabi nga ng mga katabi ko kanina nakakaturn-on daw ang Prinsesa ko, ang sexy kasi at flawless, nakakasilaw pa ang kanyang legs...at masarap daw katabi sa kama.

Sinamaan ko nga ng tingin ang mga lokong iyon.
Lantaran kasi nilang pinagpapantasyahan ang aking Prinsesa.

I can't stop myself from smiling. Hoping na magustuhan niya ang sorpresa ko sa kanya.

Malapit na ako sa kotse ko ng may biglang bumangga sa akin dahilan para mabitawan ko ang hawak kong car keys.

Pumihit ako paharap para sitahin kung sino man ang bumangga sa akin. Ang lawak-lawak kaya ng daan!

"What the fuck dude! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" sita ko habang salubong ang kilay.

Nagmomoment ako eh tapos may iistorbo.

Yumuko ito at dinampot ang susi at saka inabot sa akin.

"I-im sorry, nagmamadali---wait LuHan? L ikaw ba yan?" he asked then lumapit siya sa akin para masigurado kung ako nga.

Kumunot ang noo ko ng makilala din siya.

"Jisoo Andrew Kim? Drew ?" bulalas ko ng mamukhaan ko rin siya.

Lumapit ako sa kanya at pabirong sinapak siya.

Iyon kasi ang madalas naming batian noong nasa elementary palang kami.
Childhood bestfriend ko siya dahil sabay kaming lumaki at nagkaisip.

Nagkahiwalay lang kami noong mag highschool na kami. Lumipat kasi sila ng tirahan dahil masyadong malayo ang mansyon nila sa mga pinapatakbong business ng kanyang papa.

Nalungkot nga ako nun dahil siya lang ang kalaro at kaibigan ko sa school dahil ayaw makipagclose sa akin ng mga kaklase ko dahil laging may nakabantay na bodyguard sa akin.

Jennie POV
Maaga akong ginising ni yaya ng umagang iyon. Wala namang pasok, bakit ako ginising? Siguradong puyat naman lahat ng mga estudyante ngayon. May live band pa kasi na tumugtog kagabi at inuman nung umalis kami ni LuHan. Kasama kasi iyon sa celebration ng university dahil 3rd year anniversary nito kahapon.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon