CHAPTER 28.1

1K 32 1
                                    

Jennie Kim POV

"LuHan Lee Manoban!!!" malakas na tili ko, pagkatapos masabi iyon ni LuHan.

Paanong hindi ako sisigaw. Nadulas lang naman siya tungkol sa kalagayan ko.
Nakakainis!
Imbes na ako ang magsabi kay Lim. Inunahan pa niya ako.

Surprise ko sana iyon sa kanya kapag inamin ko na sa kanya na mahal ko siya, pero hindi na yata mangyayari iyon dahil nabunyag na ni LuHan.

Okay lang naman sana na sabihin niya kay Limario kaya lang huwag naman sana na nandito si Kai.

Paano na ngayon ito?

Ang alam niya break na kami ni LuHan. And I know iniisip niya na maaaring si LuHan ang ama ng dinadala ko dahil kakabreak lang namin. Wala naman akong ibang naging boyfriend kundi siya lang.

Ayos lang naman sana kung iyon ang iisipin niya. Ayoko kasing malaman niya ang totoo, tapos makarating pa kay Daddy.

Siguradong gulo ito kapag nangyari iyon dahil baka magalit si Daddy at maatake sa puso kapag nalaman niya ang pinagagawa sa akin ni Lim, tapos siya pa ang ama ng dinadala ko.

Dalangin ko nalang sana ngayon na huwag magreact si Lim para hindi masabi ni LuHan ang totoo. Saka ko nalang lilinawin sa kanya kapag nakaalis na si Kai.

Pero sa tingin ko hindi mangyayari iyon dahil siguradong magrereact at magrereact siya lalo na't ako ang involve. Masyadong sensitive siya kapag ako na pinag-uusapan.

At naisip ko lang na ayos lang naman siguro na malaman na ni Kai para tigilan na niya ako at huwag na niyang ipilit ang gusto niya sa akin.

Para maisip naman niya ang tama at hindi pupwede ang gusto niyang mangyari. We're cousins. Sana iyon ang isipin niya.

Natatakot pa rin ako sa kanya. Sa mga binabalak niyang gawin sa akin. I can't forget what happened a while ago. Kung saan binangga ng sasakyan niya, ang sinasakyan namin ni Kris papuntang hospital.

Hindi ko pa nga pala na- icheck kay Kris kung ano ang kalagayan ng parteng binangga ng walanghiya kong pinsan. Siguro tatanungin ko nalang sa kanya mamaya paglabas ko ng hospital para umuwi.

Gusto ko ring komprontahin si Kai tungkol dito pero natatakot akong lumapit sa kanya. Nakatatak na kasi sa akin ang takot sa kanya kapag nakikita ko siya.

Naisip ko din baka tinatakot lang niya ako kanina ng binangga niya kotse ko para bumigay sa gusto niya. But I can't. I can't do it.. Pakiramadam ko nasusuka ako kapag naiisip ko iyon.

Kung tinatakot lang niya ako kanina, hindi ba pumasok sa isip niya na pwede akong mapahamak? Oh di kaya'y may alam na siya sa kalagayan ko at binalak talaga niya iyong gawin para malaglag ang dinadala ko.

Kaya siguro niya ako sinundan dito para siguro malaman ang kumpirmasyon ng lagay ko. Kaya lang kung may alam nga siya, ang tanong paano niya nalaman? Kay Daddy kaya? Marahil oo, close sila eh. At kung iyon nga ang dahilan ng pagbangga niya sa kotse ko, maaatim ba ng konsensya niyang malaglag ang isang walang kamuwang-muwang na nilalang para sa pansarili niyang kapakanan.

Hay! Ayoko na munang isipin sa ngayon ang mga ito dahil pag-iisipan ko muna kung dapat ko ba siyang kausapin pagkatapos nito para hindi malaman ni Daddy kung sakali.

"Is that true L? She's pregnant? Binuntis mo pala pinsan ko tapos hiniwalayan mo? Anong klase kang lalaki?!" asik ni Kai dito ng makabawi ito sa pagkabigla.

Masama ang tingin nito kay LuHan habang napanganga nalang ang huli sa tinuran ni Kai. Hindi siguro nito inaasahan na ganun iisipin ni Kai dahil siya lang naman kasi ang huling nakarelasyon ko.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon