CHAPTER 27.1

1.1K 32 0
                                    

Umekstra din po ako sa chapter na ito lol. ^_______^
Enjoy reading...

[ Third Person's POV ... ]

Sa isang kotseng itim na nasa parking lot ng hospital ay may limang lalaking seryosong nag-uusap-usap.

Pinag-uusapan nila ang tungkol sa planong gagawin nila para sa pasyenteng kailangan nilang iligpit.

Iyon kasi ang utos ng kanilang boss at nagpaplano sila kung paano papasukin ang walang kamalay-malay na pasyente at patayin ito.

"Handa ka na ba sa dapat mong gawin?"

Tanong ng isang lalaking nakasuot ng itim na shades habang nakatingin sa labas ng hospital. Kanina pa sila nagmamasid ng mabuti sa paligid.

Agad nitong sinipat ang oras sa suot nitong relo para malaman kung dapat na ba nilang isagawa ang kanilang maitim na plano.

"Yes boss." wika naman ng isang lalaki na siyang kausap nito.

Nakangisi ito habang pinapasadahan ng tingin ang mga nurse na dumaan. Mukha itong baliw na asong nakatanghod sa mga makikinis na leegs ng mga nurse na dumaan.

"Nakikinig ka ba Ranz?" galit na binatukan ito ng pinakalider.

Nagtatawanan naman ang iba pa nilang kasamahan na nasa loob din ng kotseng itim.

"Opo boss. Bakit naman po ninyo ako binatukan?" reklamo naman nito habang hinihimas ang ulong nasaktan.

"Kapag tayo pumalpak dito lagot tayong lahat kay Big Boss." naiinis na wika ng lider nila. Tumanaw itong muli sa entrance ng hospital saka nagsalitang muli. "Alam mo kung paano siya magalit." patuloy pa nito habang matalim nitong sinulyapang mabuti ang kausap.

"Opo alam ko po. Tatanggalin ko lang naman po ang oxygen ng pasyente di po ba?" mahinang sabi nito habang seryoso ng nakatingin sa amo.

"Oo. Siguraduhin mong matatanggal mo iyon at hindi ka mahuhuli. Kung hindi lagot tayong lahat.'' anito habang ibinalik muli ang tingin sa labas.

"Opo. Sisiguraduhin ko pong di ako papalpak."

Naghubad ito ng damit at kinuha ang mas maayos na damit sa loob ng isang plastick bag. Nagsuot din ito ng pekeng bigote at saka nagsuot ng bullcap na sumbrebo para maitago ang tunay na kaanyuan.

"Ready na ako boss." baling nito sa lider nilang may kausap sa headset.

"Rey ano na? Wala na bang bantay dyan? Okey sige papupuntahin ko na dyan si Ranz. Magmatyag ka pa din baka may biglang pumasok." sabi nito sa kabilang linya habang hawak ang headset. Matapos makipag-usap ay agad nitong hinarap ang kausap.

"Pumunta kana doon ngayon habang wala pa ang bantay niya. Ready na ang lahat, ang tanging gagawin mo lang ay alisin ang hose ng oxygen sa bibig ng pasyente.

Pagkatapos mong magawa iyon ay umalis kana pero siguraduhin mong walang makakakita sa iyo. Sa exit ka dumaan at doon ka namin aabangan." mahabang bilin nito.

"Yes boss."

"Sige alis na. Tandaan mo mga sinabi ko sa iyo."

Bilin pa nito bago ito tuluyang lumabas ng kotse at maglakad patungong entrance ng hospital.

Nagthumbs up pa ito sa mga kasamahan niya bago ito pasimpleng naglakad na at pumasok sa loob ng hospital.

Mabilis na nitong tinungo ang kinaroroonang kwarto ng pasyenteng kailangan nilang patayin.

Nang makita nito ang kwarto ay dahan-dahan nitong pinihit ang seradura ng pinto at mabilis na pumasok. Wala itong sinayang na oras.

Agad nitong tinungo ang kinahihigaan ng pasyente at mabilis na hinugot ang hose na nakalagay sa bibig nito.
Suminghap ang lalaking nakahiga at biglang nagmulat ng mga mata.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon