CHAPTER 14.2

943 22 0
                                    

Limario Lee Manoban POV

Finally I'm homed...
Huh!
I sighed.

It was a very tiring week. Ang dami kong inasikasong trabaho sa Singapore puro lahat sa mga investments ng mga gustong kumuha ng stocks ng kumpanya namin.

Ang dami kong kailangang basahin, i-review at pirmahan na mga papeles.

Halos wala pa akong matinong tulog nito.

Nanlalalim ang mga eyebags ko pati ang pagshave ng balbas ko di ko pa maasikaso.

Putsa naman oh! Ang hirap maghandle ng ganito karaming business.

If only dad is here... Hindi sana ganito buhay ko. Normal sana akong lumaki, yung kadalasang ginagawa ng normal na kabataan. Maglakwatsa, party-party at walang iniisip na mabigat na responsibilidad.

My life is not normal... yes I'm free to do that lakwatsa, magparty pero my limitations coz I should concentrate to my studies, sabagay masterals nalang naman kinukuha ko and I have to focus also to our businesses.

Napakalaki ng nakapatong na responsibilidad sa aking mga balikat.

Sana di nalang namatay si dad...

Ang hirap... minsan gusto ko nalang sumuko at hayaang bumagsak lahat ng mga negosyo namin dahil sobrang yaman naman namin.

Kaya lang naisip ko hindi matutuwa si dad.

Hirap at pagod ang inilaan niya dito at ayokong biguin siya kung sakali at mawala bigla ang pinagpaguran niya.

Natatandaan ko pa bilin niya bago siya mamatay.

"Limario anak inilipat ko na lahat sa pangalan niyo ni L ang lahat ng naiwan ko at wag ka na sanang magalit kay Liah at Lucas. Pinatawad ko na sila at sana mapatawad mo na rin sila." nahihirapang sabi nito. Halata na malapit na itong kapusan ng hininga.

"Bakit may kahati ang bastardong iyon dad!" pinilit ko lang kalmahin ang galit ko dahil alam kong nag-aagaw buhay na si dad.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Dad hindi ko kayang patakbuhin ang mga iiwan mo." hawak ko ng mahigpit ang kamay niya dahil pakiramdam ko ilang minuto nalang ay mawawala na siya sa akin.

"K-kaya m-mo yan anak alam ko. You're a genius like me." at unti unti ng bumibilis ang paghinga nito. Nataranta ako dahil unti-unti ng tumutuwid ang linya ng buhay niya sa monitor.

"NURSE!!!!  DOC!!!'' natatarantang sigaw ko.

Pero huli na....

"DAAADDDDDDDDD!!!!" sigaw ko habang yakap siya ng mahigpit.

He's gone..

He's gone forever....

Hindi ko sila mapapatawad kahit kailan dahil sila ang dahilan kung bakit namatay ka at sila rin ang dahilan kung bakit miserable ang buhay ko hanggang ngayon.

Dapat hindi nalang ako nagsisigaw ng gabing iyon para hindi mo nakita kung gaano sila kahayop.

Hindi ka sana...

Napabumuntung -hininga na naman ako.
Pang-ilang buntung -hininga ko na ba to?
Hindi ko na rin alam.

Kapag naaalala ko ang nakaraan, bumabangon ang galit sa puso ko.

Nadadagdagan pag nakikita ko SIYA!!!

SILA!!!

Natigil lang ako sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan ng may biglang magsalita sa likuran ko.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon