CHAPTER 31.2

890 29 6
                                    

Jennie Kim POV

"I hate him! Nakakainis! Kinagat din naman niya ako ah, anong kinagagalit niya doon? Bwiset! Ang ayoko pa naman sinisigawan ako! Bwiset! Bwiset! Bwiset ka Liiiimmm!!!" naiinis na sabi ko habang nagpapadyak ako sa loob ng kotse.
Nagngingitngit pa rin ako sa galit hanggang ngayon. Ayoko pa naman sa lahat ay ginaganoon ako.

"Nakakainis talaga siya! Anong akala niya siya lang marunong mangagat? Bwiset! BWIIISSSSSSIT!'' hinampas-hampas ko pa ang upuan dahil nabwibwisit talaga ako. Wala akong pakialam kung magmukha akong engot sa ginagawa ko ngayon.

Gusto ko lang naman ilabas ang galit na nararamdaman ko.
Alam kong kanina pa ako palihim na pinagtatawanan ni Kris sa ginagawa kong pagsigaw dito. Wala akong pakialam kung pagtawanan niya ako. Naiinis ako! Inis na inis! Walanghiya kasi ang halimaw na iyon ginagalit ako bwisit!

Si Kris ang nagdadrive ng kotse ko. Namataan ko kasi siya na nasa malapit lang kaya nahila ko kaagad. Ayoko kasing magdrive baka madisgrasya ako ng wala sa oras lalo na at ganito ang timplada ng mood ko. Baka maibangga ko pa ang kotse ng wala sa oras at iyon pa ang maging dahilan ng pagkakadisgrasya ko. Tsaka iniisip ko din si baby.

Ayokong madamay siya dahil sa galit ko. Baka pagsisihan ko iyon dahil sa pagiging childish ko.
Hindi na pala ako nagsama ng bodyguard dahil sa pagmamadali kong huwag akong maabutan ni Lim na hinahabol ako. Alam ko delikadong hindi ako magdala ng bodyguard. Baka nandyan lang kasi sa paligid si Kai at nag-aabang.

I know hindi pa nanahimik ang lalaking iyon. Natatakot pa rin ako sa maaaring gawin niya sa akin lalong-lalo na sa anak namin ni Lim. Dalangin ko nalang na hindi niya sana ako inaabangang ngayong araw na ito. Kahit ngayon lang dahil gusto ko lang makalayo muna kay Limario.

I sighed ng makita kong palabas na kami ng autogate. Natakasan ko siya. Mabuti nalang at mabilis akong maglakad kaya hindi niya ako naabutan kanina. Nakasalubong ko pa nga si LuHan kanina na pababa naman ng sports car niya. Hindi ko nga siya pinansin man lang dahil sa inis ko.

Hinarang nga niya ako at nagtanong kung saan ang punta ko at may dalang bag. Hindi ko naman siya pinansin at nilampasan nalang siya habang hindi maipinta ang mukha ko dahil narinig ko si halimaw na hinahabol ako. Nagmamadali na akong sumakay ng sasakyan non at kaagad na inutusan si Kris na umalis kami.

Napaismid pa ako ng makita kong huminto si halimaw sa paghabol ng makita niyang palabas na kami ng autogate. Alam kong hahabulin niya kami kaya inutusan ko si Kris na sa shortcut kami dumaan para makalayo kami agad doon. Iyon kasi ang pinakamabilis na daan palabas. Walang hassle doon dahil bihira ang mga sasakyang nadaan.

Uuwi muna ako ng mansyon namin para magpalamig ng ulo doon. Bahala muna si halimaw sa buhay niya. Hindi muna ako uuwi sa kanya. Doon na muna ako sa mansyon habang hindi pa humuhupa ang galit at na inis na nararamdaman ko. Kainis siya! Parang kagat lang magagalit na at sinigawan pa ko? At ang nakakainis pa BINITIN ako!

Kakabadtrip talaga! Bitin na bitin ako! Ayoko pa naman yung pakiramdam na mabitin dahil talagang ikakawala ko iyon ng mood at ikakainis ko ng sobra. Kaya bahala siya sa buhay niya. Ayoko munang makita siya at lalong ayoko siyang makasama muna dahil baka masakal ko lang siya sa pambibitin niya sa akin. Grrrrrrrr!

I know mababaw na dahilan at childish masyado. Pero sana naman inunawa niya ako. Hindi niya sana ako sinigawan. Tutal patas naman kami. Alam naman niyang sensitive ako at mabilis madala ng emosyon. Umiiyak pa nga ako kanina habang naglalagay ng damit sa bag na dadalhin ko sa paglayas ko. Ayoko namang layasan siya.

In fact hinihintay ko lang naman siyang sundan niya ako sa loob ng closet. Humingi siya ng tawad sa akin at lambingin ako, tapos. Sa kasamaang-palad hindi nangyari ang inaasam ko kaya ayun tinopak na ako. "KAKAINIS!!! BWISIT KA LIM!!!" "BWISIT KA LI---BAKIT KA TUMIGIL KRIS!!!" histerical na sigaw ko ng biglang magpreno ang driver ko.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon