CHAPTER 25.3

1.1K 35 2
                                    

This is a short update. Iniklian ko lang talaga para sa POV ni LuHan dahil magsisimula na talaga ang totoong kwento sa next chapter...

LuHan Lee Manoban POV

Shit!

Anong ginawa ko?

Masyado yata akong nadala ng mga emosyon ko dahil sa galit ko kay Lim.
Bakit ko nagawa iyon sa kanya?

Napakatanga ko talaga!

Shit!

Gusto kong saktan si Felix na siyang bumaril sa kanya ngunit hindi ko na rin magagawa dahil patay na siya ngayon.

Naiinis ako dahil sinaway niya ang utos kong huwag silang makikialam sa hidwaan namin ni Lim.

Andito sila para magbantay at hintayin ang senyas ko bago sila kumilos. Pero pasaway lang dahil hindi siya nakinig sa akin.

Nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil sinalo niya ang balang dapat sana para sa akin ngunit nagagalit ako dahil tinamaan din niya si Lim malapit sa puso.

Alam kong malapit iyon sa puso ni Lim at kinakabahan ako dahil maaaring malagay sa peligro ang buhay niya kapag may mga importanteng ugat ang nadaplisan o napatid ng bumaon ang bala.

Nagsisi ako dahil nagpadalos-dalos ako, kung hindi ko sana siya nadaplisan sa balikat malamang hindi niya maiisipang gumanti pabalik.

Knowing him, hindi siya basta-basta nagpapaagrabyado o nagpapatalo nalang. Gaganti at gaganti siya makapatay o makasakit man lang siya pabalik.

************************************

Panay pa rin ang iyak ni Jennie habang nakasubsob ang mukha niya sa sariling mga kamay.

Narito kami sa loob ng kotse ko at sinusundan namin ang ambulansyang magdadala kay Lim patungong Ilocos Regional Hospital.

Nilapatan na ito ng pangunang lunas ng mga paramedics na siyang sumama sa ambulansya.

Ngunit hindi sapat ang pangunang-lunas lang dahil sabi ng doctor, maraming dugo ang nawala sa kanya.

Kailangan itong madala sa hospital as soon as possible dahil kailangan salinan ito ng dugo.

Hindi din sapat ang maliit na oxygen na siyang kinukuhanan niya ng hangin para makahinga siya ng maayos dahil sabi ng doctor maraming iba't ibang aparato ang kailangang mailagay sa katawan niya para mapanatiling humihinga ang pasyente.

Nasa matinding peligro ang buhay niya dahil malalim daw ang balang bumaon malapit sa kanyang dibdib.

Nang huling masulyapan ko si Limario sa loob ng ambulansya ay nangingitim na ang mga labi nito at kuko sa mga kamay.

Ang dating mamula-mulang kutis ng balat niya ay sobrang putla dahil tinakasan na ng dugo.

Napasulyap ako kay Jennie ng marinig ko na namang bumunghalit siya ng iyak. Naaawa ako sa kanya dahil walang tigil ang ginagawa niyang pag-iyak mula pa kanina.

Nakwento ko na lahat ang nangyari sa pagitan namin ni Lim at kung sino ang bumaril sa kanya.

Lungkot at sakit ang nakita kong reaksiyon sa kanya pagkatapos kong maikwento ang lahat.

Paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili niya dahil siya daw ang naging dahilan para mapahamak si Lim pero kung tutuusin naman talaga eh ako ang may kasalanan.

Ako ang dahilan kung bakit nabaril si Lim.

Walang dapat sisihin kundi ako.

Dapat sa simula palang ay nagparaya na ako sa kapatid ko.

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon