CHAPTER 20.1

910 20 0
                                    

Jennie Kim POV

Sa mga nakalipas na araw ay hindi na muling nagkrus ang landas namin ni halimaw.

O sadya nga bang hindi lang talaga magkrukrus ang landas namin dahil laging nasa tabi ko si LuHan at bantay-sarado.

Simula nung dinukot ako ni Lim-halimaw parang lagi nalang kami magkasama.
Ang ibang bodyguard niya ay binigay na rin niya sa akin para siguradong hindi makakalapit sa akin ang lalaking iyon.

Simula ng mangyari iyon ay hindi ko na siya nakita pa.

Nalaman ko nalang kay LuHan na nasa Paris ito para sa isang business trip.
Naging maayos naman ang relasyon namin ni LuHan.
Masaya kami palagi kahit na nagkakatampuhan kami minsan.

Madalas siya ang sumusuyo sa akin at agad ko namang napapatawad dahil hindi ko rin naman siya matitiis.

There is a time na naiisip ko si halimaw.

Ewan ko ba...  =______=

Parang namimiss ko siya pero napapalitan ng galit ang nararamdaman ko para sa kanya dahil sa banta niya noong huli kaming nagkita.

Seryoso kaya siya sa mga sinabi niya o tinatakot lang niya ako?

Nalilito ako sa mga pinapakita niya sa akin.

Alin ba ang totoo sa mga iyon?

Tsaka ano ba yung mga pinaparamdam niya sa akin.
Libog lang ba iyon o nagkukunwari lang siya para mabilis akong bibigay.

Kahit anong gawin ko siya pa rin ang iniisip ko.

Pilit siyang sumisiksik sa isipan ko.

Ang mukha niya ang laging umuokupa sa isip ko... init ng mga halik niya ang naaalala ko...

Kahit na ang humahalik sa akin ay si LuHan, halik niya ang hinahanap ko.

Alam ko nagkakasala ako sa kanya dahil ibang lalaki ang pumapasok sa isipan ko habang hinahalikan niya ako, ngunit kahit anong pilit ko sumisiksik talaga siya sa isipan ko.

"Anong gusto mong kainin Miel?" tanong sa akin ni LuHan.

Andito kami ngayon sa canteen.
Break time ko at nagkataong vacant time din ng boyfriend ko.

"Cheese burger, hawaiian pizza, mango tart and pineapple juice." nakangiting sabi ko.
Hindi ako nag-agahan. Kulang ang burger sa akin kaya sinamahan ko ng pizza at tart.

"Wow Miel! Kaya mo yung ubusin?" amuse na tanong niya sa akin.

Tumango lang ako saka siya sinamaan ng tingin.
Natatawang itinaas nito ang isang kamay at pinisil ang pisngi ko.

"Ang ganda-ganda ng Miel ko kahit masama ang tingin." napangiwi nalang ako saka hinimas ang pisngi ko. "Wait me here." tumayo na siya saka nakipila.

Pinaglaruan ko nalang ang cellphone ko habang inaantay si LuHan.
Maglalaro muna ako ng flappy bird while waiting for him.

Nasa level 2000 na kasi ako.
Hahahaa!
Chos!

Hindi nga ako makalipat sa level 1 dahil laging nauuntog ang lampang ibon ko. lol

Naglaro nalang ako ng Candy Crash baka kasi mabato ko tong cellphone ko eh bago pa naman.

Sumagi na naman siya sa isipan ko ng maalala ko yung time na hinagis niya ang cellphone ko dahil nakita niya akong katext ko si LuHan.

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko para rin palisin ang isiping iyon.

Naiinis na ako sa sarili ko...

𝙱𝙴𝙰𝚄𝚃𝚈 𝙰𝙽𝙳 𝚃𝙷𝙴 𝙱𝙴𝙰𝚂𝚃 💕 JenLisa (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon